Nakumpleto na ang first half ng regular season ng MPL Indonesia Season 9. Sa unang apat na linggo kung saan nagkaharap-harap ng ang bawat koponan, interesanteng tignan kung sinu-sino ang most picked heroes sa MPL ID Season 9 para bigyan ng gabay ang pub players.

Sinasalamin ng most picked heroes sa MPL ID Season 9 ang kasalukuyang meta at hindi lang sila basta-basta kinukuha ng mga koponan kundi mayroong magandang dahilan kaya sila pinipili.

Tatalakayin ang mga pinakapatok na heroes sa liga gamit ang data na nakuha mula sa 65 games o 28 matches na naganap.


Listahan ng 5 most picked heroes sa MPL ID Season 9

5. Chou

Credit: Moonton

Noon pa man ay parte na ng meta si Chou at hanggang sa MPL ID Season 9 ay totoo pa rin ito. Sa 65 games na nilaro sa first half ng regular season, na-pick siya nang 30 beses at na-ban ng 18 beses, nangangahulugan ito na mahalaga pa rin siya sa liga.

Nakapagtala siya ng 17 wins kontra 13 defeats (56.67% win rate).

Pareho ang bilang ng appearances nila Chou at Mathilda, subalit mas karapat-dapat na ilagay si Chou sa listahang ito ng most picked heroes sa MPL ID Season 9 dahil mas mataas ang kanyang win rate.


4. Beatrix

Credit: Moonton

Isa si Beatrix sa mga sikat na marksman heroes na nilalaro bilang gold laner sa Land of Dawn. Madalas niyang naibabaligtad ang alanganing sitwasyon kaya itinatanghal na MVP sa mga winning team sa MPL ID.

Lumabas siya nang 32 beses at na-ban ng 10 beses sa first half ng Season 9. Sa 32 appearances na ito, nakapukol ang Dawnbreak Soldier ng 50% win rate (16 wins, 16 losses).

Dala na rin ng kanyang napa-versatile na abilities at malaking damage sa kalaban, siguradong tataas pa ang popularidad ni Beatrix sa MPL ID S9 basta hindi siya mahahampas ng malaking nerf sa hinaharap.


3. Esmeralda

Credit: Moonton

Medyo bihirang makita si Esmeralda sa ranked games. Pero sa competitive scene, ang presensya ng tank/mage hero na ito ay mahalaga upang manalo ang isang koponan sa EXP lane at magkaroon ng frontliner sa mga team fight kaya naman isa siya sa most picked heroes sa MPL ID Season 9.

Nilaro ang Astrologer nang 33 beses at na-ban naman nang 16 beses. Sa 33 games na ito, nakapaglista siya ng 16 wins laban sa 17 losses (48.48% win rate).


2. Paquito

Credit: Moonton

Sa mga nakalipas na MLBB tournaments, isa si Paquito sa mga staple picks ng mga koponan. Sa kamay kasi ng tamang manlalaro, kaya nitong burahin ang kalaban sa isang iglap.

Bukod pa rito ang kanyang flexibility dahil pwede siyang ilagay sa EXP lane, gold lane o jungle kaya naman magandang choice siya sa drafting phase pa lang.

Lumabas si Paquito sa unang half ng MPL ID Season 9 nang 35 beses at na-ban naman nang siyam na beses. Bagamat bihira man ma-ban, hindi ibig sabihin nito ay mahina siya dahil kaya niyang magdulot ng delubyo sa kalaban.

Tumikada ang Heavenly Fist ng 18 wins at 17 defeats para sa win rate na disenteng win rate na 51.43%. ‘Di man ito promising number para sa iba, itinuturing pa rin siyang mahalagang hero ng karamihan sa MPL ID teams.


1. Yve

Credit: Moonton

Si Yve ang nangibabaw sa most picked heroes sa MPL ID Season 9 matapos siyang i-pick nang 40 beses sa first half ng regular season.

Mula sa mga larong ito, nakapagtala ang Astrowarden ng 26 wins laban sa 14 defeats para sa nakakamanghang 65% win rate. Mataas ang bilang ng kanyang appearances lalo na’t na-ban din siya nang 17 beses.

Maaaring masabi na isang sorpresa ang pagiging top pick ni Yve dahil marami siyang nerf na natanggap sa patch 1.6.50 na nilabas noong Enero. Sa kabila ng mga nerfs, nanatiling sikat ang hero sa competitive scene lalo na sa MPL ID Season 9.


I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang MPL at MLBB news, guides at features.

Base ito sa artikulo ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports Indonesia.