Naging malaking hadlang sa esports eksena sa Indonesia ang COVID-19 pandemic sa nakalipas na dalawang taon. Malaking dagok ito sa operasyon ng mga esports tournaments sa bansa, partikular na sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League na napilitang gawing online ang mga laban para maseguro ang health at safety ng mga players at fans.

Kaya naman maraming fans ang nagdiriwang dahil masasaksihan nila muli ang aksyon live karugtong ng anunsyo ng Moonton na offline at open to the public na muli ang MPL ID Season 9.


Moonton: Live at bukas sa publiko ang MPL ID S9

Credit: ONE Esports ID

May tatlong malaking pagbabago sa tournament ayon sa Public Relations and Communications Manager of Esports ng Moonton Indonesia na si Azwin Nugraha. Ibinahagi ng opisyal na ang MPL ID Season 9 ay gagawin offline, bubuksan sa publiko, at mapapanood sa bawat Cinépolis cinema (isa sa mga kilalang cinema chains sa bansa).

Bagamat may banta pa rin ang COVID-19 sa Indonesia, tiniyak naman ni Nugraha sa mga fans na may VOID task force at civil service police units na ipapakalat sa venue para mapanatili ang pag-iingat ng bawat isa alinsunod sa national health guidelines.

“We do all these things by complying with the regulations from the government and tightening the health protocols,” banggit ni Nugraha.

$300,000 ang prize pool ng MPL ID

Credit: MPL Indonesia

Pinakamalaking bahagi ng tumataginting na US$300,000 prize pool ang mapapanalunan ng kampyon ng Season 9.

Bisitahin ang opisyal na website ng liga para sa pinakahuling balita tungkol sa tournament. Maaari ding makita ang latest updates sa kanilang FacebookInstagram, at TikTok. 

BASAHIN: Lemon magbabalik na sa RRQ Hoshi roster ngayong MPL ID Season 9