Nakatanggap ng samut’-saring komento mula sa fans at personalidad sa Pinoy MLBB eksena ang MPL Invitational 2021 Captain’s Draft kung saan binunot ng mga MPL Champions mula sa Malaysia, Indonesia, Singapore at Pilipinas ang kani-kanilang brackets para sa international tournament.

Marami sa kanila ang umigting ang Pinoy pride, katulad na lamang ng MPL PH Talent na si Theo “UOMI” Ignacio na ipinunto ang pagsagot ng Team SMG Manager na si Benny Lai sa tanong kung gusto nilang makaharap ang Blacklist International

Habang si AJ “Baloyskie” Baloy naman ng ONIC Philippines, mistulang nagpasaring sa Team SMG na hinulma ang Indonesia versus Indonesia at Philippines versus Philippines matchup sa kanilang bracket:

Ganito din ang naging reaksyon ni Kiel VJ “kielvj” Hernandez at Renz “Renzio” Cadua ng Smart Omega, na nakatakdang harapin ang kupunan ni Baloyskie sa tinaguriang “Death Bracket”.

Sa kabilang banda, mistulang masaya ang Smart Omega coach na si Jomie “Pakba1ts” Abalos sa round 1 bakbakan.

https://twitter.com/Pakba1tss/status/1454787640159457292

Si Coach Neil “Midnight” De Guzman naman, hindi rin napigilan ang pagkabigla sa kinalabasan ng lottery.

Credit: Midnight

Ang MPL Talent naman na si Caisam “Wolf” Nopueto, inilatag ang mga posibleng kuwento sa mga gaganaping matchups matapos ang MPL Invitational 2021 Capatain’s Draft.

Credit: Wolfcasts

Nakatakdang magsimula ang MPLI sa November 2 hanggang November 7.

Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa MPLI 2021 sa pamamagitan ng pag-follow sa Facebook page ng ONE Esports PH!