Gugulong na ngayon ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League Cambodia Season 2 (MPL KH Season 2) kasama ang maraming pagbabago na eksklusibo sa rehiyon.
Susubukan ng SeeYouSoon na panatalihin sa kanilang panig ang kampyonato sa harap ng pinakamagagaling na koponan sa Cambodia. Bukod dito, ipapakilala na rin ang sistemang Spring at Summer split system na unang beses pa lamang makikita sa Mobile Legends eksena.
Heto ang lahat ng kailangan malaman tungkol sa paparating na MPL KH Season 2.
Ano ang MPL KH Season 2?

Ang MPL KH Season 2 ay ang opisyal na Mobile Legends: Bang Bang tournament sa Cambodia.
Katatampukan ng 256 koponan ang qualifiers sa nasabing torneyo na paglalabanan ang apat na spots sa qualifiers. Ang mga koponang ito ang sasabak sa regular season kasama ang apat na teams na direktang inimbitahan sa tournament.
Format ng MPL KH Season 2

Bukod sa bagong-latag na Summer at Spring split format, ang 256 kwalipikado at rehistradong koponan ay maghaharap sa kampyonato sa kabuuan ng taon.
Sa kabuuan ng 2022, magkakaroon ng qualifiers sa Spring Split, habang wala namang magaganap na qualifying matches sa AutumnSplit. Ito ay inilatag para mabigyan ng pagkakataon ang mga bagitong teams na gustong sumabak sa professional esports.
Sa gugulong na Spring Split Qualifiers, apat na koponan ang aabante base sa point system na ipapatupad na magpapasya din ng kanilang ranggo. Ang bottom four saw along teams sa regular season ay mapupunta sa waiting list bilang paghahanda kung may mangyari mang hindi inaasahan sa top four teams dito.
May apat na koponan din na makakatanggap ng direct invites para sa regular season.
MPL KH Season 2 Spring Split schedule
Gumulong na ang qualifying rounds noong January 18 hanggang 25 kung saan nagkaroon ng livestream matches mula noong January 22 hanggang sa uling araw nito.
Ang regular round naman ng Spring Split ay tatakbo mula February 26 hanggang March 28. Pagkatapos ng 11-day break ay ipagpapatuloy naman ang bakbakan sa playoffs na nakakasa sa April 9 hanggang April 24.Hindi pa naaanunsyo ang opisyal ng iskedyul ng regular season kaya antabayanan ang update sa article na ito.
Saan mapapanood ang MPL KH Season 2 Spring Split

Masasaksihan ang pinakamagagaling na Mobile Legends: Bang Bang teams sa Cambodia sa mga official media platforms na ito:
Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa MPL eksena sa buong mundo sa pamamagitan ng pagsubaybay sa ONE Esports Philippines sa Facebook!
BASAHIN: MPL PH S9 Playoff Format: Ano ba ang kaibahan nito at gaano ba kalaki ang epekto ng pagbabago?