Pasabog ang unang araw ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 11 (MPL PH S11) makaraang itampok ang apat sa pinaka-inaantabayanang teams para buksan ang regular season.


Kaganapan sa Day 1 ng MPL PH

Muling nasaksihan ng mga miron ang mga pinakamalalaking pangalan sa larangan ng MLBB nang magbakbakan ang defending champions Blacklist International at M4 World Champions na ECHO para sa rematch ng grand finals.

Samantala, ipinasilip din ng Nexplay EVOS ang Minana players na babandera para sa kanila ngayong season. Nakaharap ng rookie team ang TNC Pro Team ML na ipinalutang ang mga bagong mukha na yayakag sa kanilang kampanya sa tangkang bumalik sa rurok ng MPL PH.

Hindi lamang mga manlalaro ngunit ilang personalidad at sangkaterbang fans din ang dumalo sa opisyal na pagbubukas ng pinakamalaking Mobile Legends liga sa bansa.

I-liket at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: Yawi may pahapyaw sa darating na Chou M4 Champion Skin