Hindi na lingid sa kaalaman ng mga fans ang popularidad ng Franco sa meta ng competitive play sa Mobile Legends: Bang Bang. Madalas na makita ang hero na isinasalang sa roamer role sa MPL Philippines at Indonesia kung saan inaabuso ng mga players ang abilidad nitong maging agresibo sa early game.

Bagamat isang classic tank hero ang Franco sa MLBB, hindi madalas na makita ito sa pro play maliban na lamang sa mga pagkakataong isinasalang ito ng Blacklist International para kay Mark Jayson “Eson” Gerardo. Sa Indonesia naman, huling naging priority pick ang tank noong Seasons 3 at 4.

Gayunpaman, hindi lahat ay nakaalam kung bakit nga ba swabe ang kit sa Franco sa meta ng pro play ngayon.


Mga rason kung bakit maganda ang Franco sa meta ngayon

Sagot sa Lancelot at Fanny ang Franco

Credit: Moonton

Maraming rason kung bakit nakikita muli ang Franco sa meta ngunit primera ang abilidad ng hero na mapigilan ang Lancelot at Fanny. Matatatandaan na priority pick ang dalawang assassins na ito sa jungler role dahil sa nakakatakot nilang abilidad na maglabas-pasok sa team fights kasama pa ng mataaas na physical damage output sa early game.

Dahil sa abilidad ng Franco na mangontrol gamit ang kaniyang Bloody Hunt, mag-aalangan ang sinumang assassin na magsimula at lumabas mula sa engagements. Halos dalawang segundong crowd control ang kayang iambag ng Franco na siguradong kikitil sa pag-asa ng Lancelot at Fanny na makagawa ng plays o manatiling buhay matapos ang team fights.


Nerfed na ang Healer meta

Credit: Moonton

Sa nakaraang meta, popular ang mga healers na inilalagay sa support/roamer role. Ito ay dahil sa Favor’s Blessing update noon na talaga namang nagpaganda ng ganoong uri ng setup. Ngayong na-nerf na ang nasabing roam boots passive, nagkaroon ng puwang ang mas flexible na heroes. Lumipat muli ang compositions sa tanks na may strong CC capabilities, kaya naman naging priority ulit ang Franco sa meta, kasabay ng Ruby at Khufra.


Pinapagulong ng Franco ang fast-paced game

Masasabi na 50-50 pick Franco dahil nakadepende sa pagtama ng kaniyang Iron Hook at Bloody Hunt ang pagiging matagumpay ng mga strategy at engagements ng team. Gayunpaman, hindi ito problema sa mga pro players dahil bukod sa mastery nila sa mga skillshots ay praktisado sila sa shot calls at prediction. 

Sa early game, bwisit ang lahat sa player na gumagamit sa tank dahil muli’t-muli nitong kaya guluhin ang kalabang jungler sa pagkuha ng jungle buffs, gayundin ang kalabang hero sa targeted lanes. Kung magtatagumpay ang Franco sa panggugulo sa mga kalabang heroes ay malaki ang potensyal na maka-snowball ang team at matapos ng mabilis ang laro.

Hindi rin maitatanggi na kahit pa lugi na ang laban, malaki ang potensyal ng Franco na mabaliktad ang momentum ng laro kung tatama ang kaniyang hook plus cc combo sa damage dealers.

Para sa mga balita at guides tungkol sa Mobile Legends, sundan ang ONE Esports PH sa Facebook.

BASAHIN: Khufra jungle? Palag ang off-meta pick na ‘to ng Aura Fire