Bago ang lahat, papaalalahanan muna namin kayo na ‘wag basta-basta pumick ng Khufra jungle sa inyong Mobile Legends: Bang Bang ranked games.

Simula 2019 ay nananatiling malaking parte ng meta ang naturang hero. Kilala ito bilang isa sa pinakamabisang roamer dahil lahat ng kanyang mga skill ay may crowd control.

Kamakailan, sinurpresa ng Aura Fire ang MLBB Professional League Indonesia (MPL ID) matapos nilang magpatakbo ng Khufra jungle strategy noong ikatlong linggo ng ikasiyam na season.


Napagana ng Aura Fire ang Khufra jungle sa MPL ID Season 9

Khufra jungle? Palag ang off-meta pick na 'to ng Aura Fire
Credit: Moonton

Kontra Rebellion Zion inilabas ng Aura Fire ang Khufra jungle para kay Jordan “High” Sumual. Gaya kung paano siya laruin bilang roamer, defensive items pa rin ang binuo ng manlalaro na sinabayan ng Concussive Blast na tank emblem.

Gaya ng inaasahan, mas mabagal sa early game ang nasabing stratehiya kung ikukumpara sa kalabang Yin na minando ni JiiSaa. Sa katotohanan, nasa Rebellion Zion pa nga ang kalamangan noong unang limang minuto ng bakbakan matapos makapagtala ng 3-0 kill score.

Pero sa tulong ng Beatrix ni Leonardo Prasetyo “Kabuki” Agung, na nakapag-free farm, nagawang makabawi ng Aura Fire.

Sinelyo ng Enhanced Lord na napasakamay ng Aura Fire bandang 19-minuto ng bakbakan ang kanilang panalo.

Tinapos ni High ang laro nang may apat na kills at pitong assists kontra tatlong deaths sa kanyang jungle Khufra. Hinirang naman na MVP ang Beatrix ni Kabuki matapos makapagtala ng pinakamataas na damage sa kalaban.


Aura Fire nananatili sa top 3 ng standings matapos unang bahagi ng regular season

Khufra jungle? Palag ang off-meta pick na 'to ng Aura Fire
Credit: Aura Fire

Winalis ng Aura Fire ang naturang serye kontra Rebellion Zion para maselyo ang ika-apat nilang panalo sa regular season.

Kasalukuyang silang nasa ikatlong puwesto ng standings nang may limang panalo at dalawang pagkatalo.

Masusubaybayan ang aksyon sa MPL ID Season 9 sa Facebook page at YouTube channel ng MLBB.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MPL ID, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: MPL ID Season 9 Standings: ONIC Esports nangunguna