Sumunod na ang TNC Pro Team ML sa mga koponang naglabas ng kanilang opisyal na lineup para sa paparating na Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines season.

Sa isang video na inilabas sa opisyal na Facebook account ng team, inilahad na ang MPL PH S9 roster ng TNC na susubukang rumbanse mula sa hindi inaasahang performance noong Season 8.

Sulat ng koponan sa naturang post, “We’re excited to introduce to you our newest roster for MPL Season 9. After searching for months on end, analyzing every single applicant, we have found our mythical six. They have answered our call to rise up and become MPL legends.”

Pupronta gamit ang bagong IGN na SDzyz, tatangkain ng star jungler na si Daniel Chu na pangunahan ang revamped roster ng TNC, kasama ang lineup holdover na si Ben “Benthings” Maglaque.

Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports Philippines

Liban sa dalawang beterano, kukumpletuhin ng mga bagong pangalan ang MPL PH S9 Roster ng TNC na kabibilangan nina Jomarie “Escalera” Delos Santos, Mark Genson “Kramm” Ruisiana, Yasuwo at KingSalman.

Sa paglalahad ng kanilang bagong roster, umaasa ang TNC na mababago nila ang daloy ng kanilang kampanya sa Season 9. “With our new mythical six, we’re hoping that this season will be the new beginning we’re all excited for.”

Opisyal na MPL PH S9 Roster ng TNC Pro Team ML

Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH
  • Daniel “SDzyz” Chu
  • Ben “BenThings” Maglaque
  • Jomarie “Escalera” Delos Santos
  • Mark Genson “Kramm” Ruisiana
  • Yasuwo
  • KingSalman

Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa MPL PH sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: Iy4knu hindi muna maglalaro sa MPL PH Season 9