Kamakailan ay inihayag ng operations team ng MPL Philippines ang ilan sa pinakamalalaking pagbabago na masasaksihan na ng mga fans sa pagpasok ng Season 9. Tampok sa nasabing anunsyo ang pagbabago sa format ng liga, kasama na din ang alituntunin tungkol sa bilang ng coaching staff na maaaring asahan ng koponan.

Credit: MPL Philippines

Gayunpaman, hindi lamang ang mga ito ang inilatag ng kumite sa bagong MPL PH S9 rules. Nakapanayam ng ONE Esports Philippines ang Esports Operation Executive ng Moonton na si Joy “Hymnrael” Calulo na binigyang-linaw ang mga rule book changes na inilatag.


Ilang mga modipikasyon na napakaloob sa MPL PH Season 9 Rules

Mga alituntunin sa Substitutions ng active roster

Kung noong nakaraang season ay dalawang oras lamang bago ang simula ng first game ang deadline ng pagsasabi ng koponan sa kumite sa kahit anong pagbabago sa starting lineup, kinakailangan na ngayon ng mga teams na abisuhan ang operations team isang araw bago ang first game ng match. Nakapaloob ang rule na ito sa section 5.4 ng official MPL PH S9 Rules.

Banggit ni Hymnrael, “Dapat sinasabe na nila yung lineup nila a day before, kung dati ay 2 hours before lang. This allows for the operations team to brainstorm for topics to discuss for pre-game.”


Mas pinaigting na Anti-Poaching Rule

Mas pinaigting ngayon ang Anti-Poaching rules na gagabay sa mga transaksyon ng mga teams sa mga players. Mababasa sa Section 6.2.4 ng MPL PH S9 rules ang buong paliwanag tungkol sa rule na ito, pero pagbubuod ni Hymnrael, “Kasi dati wild wild west eh. Kahit sino puwedeng kumausap sa player. Now that we are in a franchise league, hindi na puwedeng pabasta-basta kausapin yung player. Dapat kausapin muna yung manager kasi may kontrata yan.”

Pagpapalawig pa ng Moonton executive, “Para maiwasan itong poaching, we’ll be assisting teams by sending them a list of free agents na puwedeng kausapin. At kung sinong players ang magtatapos ang contract.”


May alituntunin na tungkol sa No-Ban Strat sa MPL PH S9 Rules

Maikakabit ang bagong rule na ito sa naganap noong Week 7 Day 3 matchup ng BREN Esports at Blacklist International kung saan pinili ng BREN na hindi mag-ban ng heroes sa Game 2. Bagamat hindi naman lumabag sa kahit anong rules noong nakaraang season, maaanghang na komento ang natanggap ng M2 World Champions mula sa mga miron.

Para maiwasan ang ganitong isyu, inilatag ng kumite ang rule na matatagpuan sa Section 8.3.1.1 ng MPL PH S9 Rules kung saan ipinaliwag ito ng mas maigi. Sa maikling sabi, pinagbabawalan ang mga teams na hindi mag-ban ng heroes liban na lamang kung nakakuha sila ng pahintulot mula sa management dalawang oras bago magsimula ang laban. Kung lalabag sa rule na ito ang koponan ay mapapatawan sila ng warning ng marshall.


Hahatian ng team ang player na papatawan ng penalty

Pinasimple ni Hymnrael ang diskusyon tungkol sa bagong guideline tungkol penalties na ipapataw sa mga players kung lalabag ang mga ito sa code of conduct na nasa section 12 ng official rules.

“For example a player is fined. Usually, the team will fine the player so that the entire fine is paid by the player. The team will have to shoulder 50% of the fine. They can fine the players internally but not as much as 50% of the total fine. They’ll have to own up to the said penalty as with the player,” banggit niya.

I-click ang link na ito para makita ang kabuuan ng MPL PH S9 rules.

BASAHIN: MPL PH S9 Playoff Format: Ano ba ang kaibahan nito at gaano ba kalaki ang epekto ng pagbabago?