Pagmamaliit kung tatawaging “eksibisyon” ang mga labanang naganap sa MPL PH Season 8 Playoffs Day 2, sapagkat sa kahit anong anggulong titingnan, malalamang “box office” ang mga bakbakang ito.

Dekalidad na Mobile Legends aksyon ang nasaksihan ng mga miron, tampok ang pagpapatumba ng ONIC Philippines sa Nexplay EVOS sa 3-0 sweep. Sa kabilang banda, binago naman ng Smart Omega ang tadhana matapos nilang pataubin ang Blacklist International, 3-1.


ONIC PH malinis trinabaho ang NXPE, 3-0 sa MPL PH Season 8 Playoffs Day 2

Credit: ONIC PH

Mabilis na 3-0 sweep ang inihandog ng ONIC PH sa MPL PH Season 8 Playoff Day 2 opener kontra NXPE, isang mapait na patikim sa ginawa nilang pagwawalis sa RSG Philippines sa Day 1.

Bumida sa unang dalawang laro ang mga gold lane marksmen ni Marky “Markyyyyy” Capacio na nagpadugo sa NXPE lineup sa midgame papuntang late game.

Credit: MPL Philippines/ Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Madulas na Claude ni Markyyyyy ang naglagay sa ONIC sa maagang kalamangan sa serye kung saan naglista siya ng 3/1/9 KDA kasama na ang malulupit na highlight plays.

Credit: MPL Philippines/ Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Sa pangalawang laro naman, naglista ang kaniyang kimmy ng tumataginting na 73k damage dealt at 805 gold per minute, ang pinakamataas sa nasabing game 2.

Credit: MPL Philippines/ Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Hindi na tumingin pabalik ang ONIC sa game 3 sa tulong ng Ling ni Kairi “Kairi” Rayosdelsol na pauli-ulit tinugis ang mga miyembro ng NXPE para itala ang 5/0/3 KDA papunta sa sweep at MVP gantimpala.


Smart Omega binago ang tadhana kontra Blacklist International, 3-1

Credit: MPL Philippines/ Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Code, broken. Iyan ang sigaw ng lupon matapos biguin ng Smart Omega ang Blacklist International sa huling serye ng MPL PH Season 8 Playoffs Day 2.

Mahusay na drafting at late game execution ang muling ipinakita ng kupunang tinawag na “The Kings of the SEA” upang itala ang 3-1 series win.

Credit: MPL Philippines/ Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Sa unang laro ng serye, nagpakabog ng dibib ng mga OMG fans ang gilas ng Claude ni Hadji na tumulong sa defending champs ilista ang game 1 panalo.

Gayunpaman, mabilis na bumwelta ang kupunan ni Coach Jaime “Pakbet” Abalos na sumandal sa Lancelot ni Dean “Raizen” Sumagui na naglista ng malinis na 9/1/4 performance na humirang din sa kaniya bilang MVP of the Game.

Credit: MPL Philippines/ Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Ipinagpatuloy ng kupunan ng Smart ang ratsada sa magkasunod na games, bida ang Faramis pick ni Renz “Renzio” Cadua na pumunit sa mga miyembro ng Blacklist sa mga teamfights.

Habang sa game 4 naman, Claude naman ni Duane “Kelra” Pillas ang tuluyang sumelyo ng tadhana ng defending champs na ngayon ay bababa na sa bracket para labanan ang Nexplay EVOS.


Sa kongklusyon ng MPL PH Season 8 Playoffs Day 2, heto na ngayon ang itsura ng bracket:

Credit: ONE Esports PH

Antabayanan ang mga pinakahuling balita tungkol sa playoffs sa pamamagitan ng pagsubaybay sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.