Inanunsyo ng Moonton na magkakaroon ng MPL PH Season 9 playoffs watch party sa piling SM Cinemas.

Ang watch party, na parte ng pagnanais ng Moonton na unti-unting ibalik ang live audience sa playoffs na naudlot dahil sa pandemya, ay gaganapin sa ilang sinehan sa Mega Manila.

MPL PH Season 9 playoffs watch party gaganapin sa piling SM Cinemas

Paano bumili ng tickets para sa MPL PH Season 9 playoffs watch party
Credit: Moonton

Sa opisyal na Facebook page ng MPL Philippines, inanunsyo nilang mamimigay sila ng libreng tickets sa walong fans na magko-comment sa kanilang post kung bakit deserve nila ang libreng ticket.

“We are thrilled to join Moonton Games to provide our customers and fans a viewing experience like no other. This is our way to help bring together MPL-PH fans and gamers alike as we further witness the strength of the Philippines in mobile gaming,” ani Joaquin L. San Agustin, senior vice president for marketing ng SM Supermalls, sa isang pahayag na pinost ng Rappler.

Maaaring makabili ng tickets sa nasabing sinehan o online sa opisyal na website ng SM Cinema.

Nagkakahalaga ng PHP 170 ang bawat ticket para sa MPL PH Season 9 playoffs watch party at may kasama pang popcorn pati na rin Mobile Legends: Bang Bang freebies.

Narito ang opisyal na schedule para sa mga piling SM Cinemas:

BRANCHDATE
SM City San LazaroApril 28 – 29
SM City ManilaApril 30 – May 1
SM City Sta. MesaApril 28 – 29
SM City TaytayApril 30 – May 1
SM City MasinagApril 30 – May 1
SM City BF ParanaqueApril 30 – May 1
SM City SucatApril 30 – May 1
SM City BicutanApril 28 – 29

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Philippines, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Insidente ng lag sa EVOS Legends vs Alter Ego, iimbestigahan ng MPL Indonesia