Sa isang panayam sa ONE Esports na pinresenta kasama ng Samsung, ibinahagi ng dating Mobile Legends pro player na si Naser “Dogie” Mollazehi ang kaniyang gaming experience.

Unang naglaro ng Heroes of Newerth, madalas na iniiwan niya ang kaniyang mga laro nang maaga dahil wala itong parusa.

Pagkatapos ay lumipat si Dogie sa League of Legends, kung saan nakakuha siya ng mga rare skins tulad ng King Rammus, UFO Corki, at Black Alistar.

Sa huli ay lumipat siya sa Dota 2, at habang nasa first viewing siya ng The International tournament, na-inspire siya dahil kay Danil “Dendi” Ishutin, isang myembro ng legendary Natus Vincere squad na nanalo ng kauna-unahang TI.

Ibinahagi ng MPL Philippines Hall of Legends inductee at dating Nexplay EVOS player na naging idolo niya si Dendi kahit ano man ang laruin niya.

“Whenever I see him press keys, it seems like he’s playing the piano,” wika niya.



I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook tungkol sa iba pang balita tungkol sa mga paborito mong esports players.

BASAHIN: Nagbalik na ba ang assassin meta? Mas mailap na ang bagong Helcurt sa MLBB patch 1.8.78