Ang ikaapat na season ng ng pinakamalaking Mobile Legends: Bang Bang tournament sa Singapore ay magsisimula na sa loob ng ilang araw.

Ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League Singapore Season 4 (MPL SG Season 4) ay magsisimula sa September 3, ayon sa anunsyo ng Moonton, kung saan ang regular season ay magaagnap mula September 3 hanggang September 25. Matapos ang dalawang linggong break, ang playoffs ay gaganapin sa October 7 hanggang 9.

Sa isang major development, inihayag din ng Moonton na ang season ay gaganapin offline sa Zenway Studios sa Paya Ubi Industrial Park na magkakaroon ng live audience. Ito ang unang pagkakataon na hahayaan ng liga na masaksihan ng mga fans ang mga games sa regular season nang live.

Walo sa mga pinakamahuhusay na MLBB teams sa bansa ay maglalaban-laban upang makuha ang pinakamalaking bahagi ng SGD $100,000 prize pool at pagkakataon na maging kinatawan ng Singapore sa nalalapit na M4 World Championship sa January.

Mga karagdagang detalye tungkol sa nalalapit na MPL SG Season 4

MPL SG Season 4 teams
Credit: Moonton

Sa 67 teams na sumali sa qualifiers, sigurado na ang slot ng Team SMG SG at Team Oldman sa tournament.

Ang dalawang teams ay makakasama sa RSG SG, Zion Esports, Revival, Team Flash, EVIL Esports, at Slate Esports.

Ang tournament format para sa season na ito ay katulad din ng nakaraang season. Ang lahat nang games sa regular season ay magkakaroon ng best-of-three format sa isang songle round robin. Ang mga teams ay mabibigyan ng 1 hanggang 3 points, depende sa resulta ng bawat match.

Ang top four teams ay pupwesto sa upper bracket ng playoffs, habang ang botton four naman ay sa lower bracket.

MPL SG S3 RSG SG championship
Credit: MPL Singapore

Noong nakaraang season, ang mga audience ay pinayagan lamang makanood nang live sa playoffs, na ginanap sa GRE.iD malapit sa Dhoby Ghaut. Kinuha ng RSG SG ang korona matapos ang dominanteng 4-1 na panalo laban sa two-time MPL SG champions na EVOS SG sa grand final.

Ang mga ticket prices at seating details ay ilalabas sa susunod na linggo. Para sa karagdagang updates i-follow ang MPL SG at ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.