Lalarga na ang Mobile Legends Professional League Invitational 2021 (MPLI 2021) ng ONE Esports sa ikalawa ng Nobyembre.
Tampok sa turneo na ito ang anim na koponan mula sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 8 (MPL PH Season 8).
Ano ang MPLI 2021 ng ONE Esports?
20 sa pinakamalalakas na MLBB teams sa Southeast Asia ang lalahok sa MPLI 2021 ng ONE Esports. Bukod sa pinaka-asam na kampeonato, tampok din sa patimpalak na ito ang USD$100,000 prize pool.
Directly invited sa MPLI 2021 ang top six teams ng MPL PH Season 8.
Philippines
- Blacklist International
- ONIC Philippines
- Nexplay EVOS
- Smart Omega
- Echo
- RSG PH
Bukod sa mga ito, imbitado rin ang mga powerhouse ng iba’t-ibang rehiyon. Narito ang kumpletong listahan ng mga kalahok:
Cambodia
- SeeYouSoon
Indonesia
- Alter Ego
- Aura Fire
- Bigetron Alpha
- EVOS Legends
- Geek Fam ID
- Rebellion Genflix
- ONIC Esports
- RRQ Hoshi
Malaysia
- Orange Esports
- TODAK
- Team SMG
Singapore
- EVOS SG
- RSG SG
Magbabalik ang Captain’s Draft sa MPLI 2021
Gaya noong nakaraang MPLI, tampok ulit sa turneo ang kakaibang Captain’s Draft para matukoy ang unang round ng bracket.
Rekta sa quarterfinals ang mga kampeon ng MPL Indonesia, Malaysia, Singapore, at Philippines. Masi-seed sila sa apat na magkakahiwalay na grupo at mabibigyan din sila ng pagkakataon na mamili ng mga koponang pupuno sa kanilang pangkat.
Nakatakdang idaos ang Captain’s Draft sa ika-31 ng Oktubre sa ganap na ikapito ng gabi. Ito ay ila-livestream sa English sa opisyal na Facebook, TikTok, Twitch, Twitter, at YouTube ng ONE Esports.
Tatakbo ang MPLI 2021 ng ONE Esports simula ikalawa hanggang ikapito ng Nobyembre. Ipapalabas ito sa apat na lenggwahe: Bahasa Indonesia, Bahasa Melayu, English, at Filipino.
BASAHIN: Coach BON CHAN, kumpiyansa sa Blacklist kahit wala si OHEB sa kanilang MPL PH S8 Playoffs opener