Maglalaban-laban ang mga top Mobile Legends: Bang Bang teams sa ONE Esports Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2023 (MPLI 2023) para sa tumataginting na US$100,000 prize pool.

Mag-dedebut ang MPLI offline simula November 15 hanggang 19 sa GBK Basketball Hall sa Jakarta, Indonesia, kasama ang 16 teams mula sa walong rehiyon ng mundo.

Tingin mo ba alam mo kung sino ang mananalo? May tsyansa kang manalo ng hanggang 4,000 MLBB Diamonds kung sasali ka sa ONE Esports MPLI 2023 Pick ‘Em Challenge.



Paano laruin ang ONE Esports MPLI 2023 Pick ‘Em Challenge

MLBB ONE Esports MPLI 2023 Pick ‘Em Challenge
Credit: ONE Esports

Para maglaro, sagutin lamang ang mga ito: 

  1. Aling apat na teams ang makakasali sa top four? (300 points bawat tamang hula) 
  1. Aling dalawang teams ang makakapasok sa grand final series? (200 points bawat tamang hula) 
  1. Anong team ang magiging MPLI 2023 champion? (sa may halagang 500 points) 
  1. Sinong hero ang may pinakamataas na ban rate sa tournament? (sa may halagang 1,000 points) 

Bawat tamang hula ay magbibigay saiyo ng mga nakalistang puntos. Ang layunin ng challenge ay makakuha ng pinakamalaking score.  

Tiebreaker rule sa ONE Esports MPLI 2023 Pick ‘Em Challenge

Kung may mga players na may parehas na puntos, ang tie ay magpapasya ng winner base sa oras na sumali ka sa challenge.  

Ang player na unang sumali ang mananalo sa tiebreaker.  

Ano ang premyo? 

Labing-lima (15) winners ang mapipili, at bawat isa ay makakatanggap ng premyo na 4,000 MLBB Diamonds.  

I-aanunsyo ang mga nanalo sa November 27, 2023 via livestream sa Instagram channel ng ONE Esports. 

Handa ka na ba pumili ng mga winners mo? Pumunta dito para sumali sa ONE Esports MPLI 2023 Pick ‘Em Challenge simula November 8, 6:30 p.m. hanggang 13, 11:59 p.m. GMT +8.

BASAHIN: Road to MPLI 2023: HomeBois gigil na magbigay-karangalan para sa Malaysia