Susubukang biguin ng RSG Philippines ang kanilang mga katukayo sa Singapore sa Group B, habang papatunayan naman ng Smart Omega kung sino ang tunay na mga hari sa Group C kung saan naroon ang Indonesian powerhouse RRQ Hoshi. Kasunod ito ng resulta mula sa MSC 2022 Group Draw na inanusyo ng liga sa social media.

Credit: MPL Philippines

Bukod sa dalawang RSG teams, makikibalagbag sa Group B ang See You Soon ng Cambodia. Sasama rin sa Group C ang internationally-seasoned team na IDONOTSLEEP ng Thailand.


Kumpletong resulta ng MSC 2022 Group Draw:

Group ATodak (MY)Falcon Esports (MM)ONIC Esports (ID)
Group BRSG PH (PH)RSG SG (SG)See You Soon (KH)
Group CSmart Omega (PH)IDONOTSLEEP (TH)RRQ Hoshi (ID)
Group DImpunity (KH)Orange Esports (MY)EVOS SG (SG)

Base pa rin sa resulta ng MSC 2022 Group Draw, susubukang banggain ng Todak ng Malaysia ang mabibigat kargada ng mga players mula ONIC Esports ng Indonesia sa Group A. Samantala, tatangkain ng Falcon Esports mula Myanmar na gumawa ng marka sa international stage.

Bibida naman sa Group D ang Orange Esports na mga kampyon ng MPL MY Season 9, at MPL SG Season 3 runner ups EVOS SG. Bukod sa dalawang bigating teams, hindi magpapahuli sa grupo ang MPL KH Spring Split 2022 winners na Impunity.


Format ng MSC 2022

Credit: MPL Philippines

Lahat ng laban sa gaganaping group stage ay best-of-two sa isang single round robin format. Ang top two mula sa bawat grupo ay aabante sa playoffs. Iaanunsyo pa ang magiging format sa playoffs.

Magsisimula ang Group Stage sa June 11 hanggang June 12, at ang playoffs naman ay gaganapin sa June 14 to June 19.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuling balita tungkol sa MLBB.

BASAHIN: MSC 2022: Schedule, format, mga koponan, at saan mapapanood