Magbubukas na ngayong araw ang MSC 2022 tournament at sabik na ang Mobile Legends fans na mapanood muli ang kanilang paboritong mga teams at players mula sa Southeast Asia.

Ngunit hindi lamang ang nakatakdang pagbabalik ng liga offline ang rason kung bakit sabik ang mga miron. Kasama na din dito ang ipapakitang MSC 2022 meta play ng mga teams saklaw ang priority picks, bans at strategies in-game.

Credit: Moonton

Isa sa mga labang maaaring tignan bilang reperensya sa maaaring lumabas na gameplay ang naganap na showmatch sa pagitan ng SIBOL MLBB at ng BloodThirstyKings (BTK) sa Realme Mobile Legends Cup Season 6 noong nkaraan. 

Mga naganap sa SIBOL MLBB vs BTK showmatch

Bagamat hindi sumalang sa nasabing match sina Johnmar “OhMyV33NUS” Villaluna at Danerie “Wise” Del Rosario para sa SIBOL at Victor para sa BTK ay nanatiling competitive ang laban kung saan napagtagumpayan ng NA team ang national team sa score na 3-2.

Credit: RealMe Philippines

Ramdam ang lagkit ng kumpetisyon ng kumuha ng tig-isang panalo ang dalawang teams sa unang dalawang mapa, ngunit binigyan ng SIBOL MLBB ang BTK ng isang mabilis na pagpukpok sa game 3 para kuhanin ang 2-1 lead.

Ito ang pinakahuling mapa na makukuha ng MLBB team ng Pinas. Sumuntok pabalik ang BTK sa huling dalawang laro para biguin ang PH squad, 3-2 gamit ang kakaibang drafting at strats na pumukaw ng atensyon ng mga fans.


Thamuz jungler sa MSC 2022 meta?

Credit: Moonton

Gaya ng meta play sa nakaraang SEA Games 2022 MLBB Event, patok pa rin para sa mga teams ang paggamit ng Tank/Fighter heroes bilang jungler. Partikular na nakita ang epekto nito ng pagharapin ang Balmond core ni MobaZane sa Ling ni Hadji noong Game 2 kung saan nagawang maitabla ng BTK ang serye, 1-1.

Samakatuwid, epektibo pa rin ang pagpili ng ganitong heroes sa meta ngayon. Mababalikan din na sa tatlong matches sa nasabing serye, lumabas ang Balmond, Baxia at Barats sa jungler role. Habang sa dalawang huling laro, isinalang naman ang Thamuz core na ginamit ng dalawang teams ng tig-isang beses.

May punto rin kung bakit ginamit ang fighter hero sa position na ito bagamat hindi madalas makita lalo na sa pro play. Malaki ang buff na natanggap ng Thamuz noong May 2022 patch at hindi malayong magiging parte ito ng MSC 2022 meta.


Priority bans ang Valentina, Julian at Masha

Credit: Moonton

Sa huling mga MPL events, pangunahing ban ang Valentina dahil sa impact na kayang gawin ng mage hero sa gameplay. Hindi magdadalawang-isip ang mga teams na isalang ito kung makawala sa banning phase.

Totoo ito kahit sa laban ng SIBOL at BTK, kung saan inuuna itong tanggalin sa drafting. Hindi rin nakagugulat na kasama sa priority bans ang Julian at Masha. Hindi nakawala sa banning phase ang Valentina at Masha, at nang nakalusot ang Julian sa Game 4 ay agad itong naging priority pick ng BTK.

Isinalang ni ZIA ang Julian sa midlane sa harap ng matikas na Cecilion ni Hadji. Desenteng 4/1/8 KDA ang iniambag ni ZIA gamit ang hero, at naging malaking factor para maitabla ng BTK ang serye sa iskor na 2-2.

Malaki ang tiyansang kapag nakalagpas ang Julian sa drafting phase ay sa hero na ito iikot ang MSC 2022 meta.

Sundan ang pinakahuling balita sa MSC 2022 sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Mas okay daw sana kung kasama ang V33Wise noong tinalo ng BTK ang SIBOL, ani MobaZane