Napatunayan ng BloodThirstyKings, o BTK, na kaya nilang panindigan ang kanilang mga salita matapos nilang talunin ang Mobile Legends: Bang Bang team ng SIBOL, sa iskor na 3-2, sa showmatch ng realme Mobile Legends Cup Season 6 (RMC Season 6) grand final.

Tampok sa lineup ng SIBOL ang mga miyembro ng Blacklist International na nag-uwi ng gintong medalya mula sa 31st Southeast Asian Games. Pero hindi kabilang dito ang duo nina Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna at Danerie James “Wise” Del Rosario,

Kaya naman nang magtagumpay ang North American team kontra SIBOL, ‘di napigilan ni Michael “MobaZane” Cosgun na ihayag ang panghihinayang niya sa pagkawala ng V33Wise.

BTK tagumpay sa V33Wise-less na SIBOL sa RMC Season 6 showmatch

Mas okay daw sana kung kasama ang V33Wise noong tinalo ng BTK ang SIBOL, ani MobaZane
Credit: realme

Lahat ng mapa ng best-of-five series ay kinailangan bago tuluyang madaig ng BTK ang SIBOL.

Nagsilbing susi sa tagumpay ng M3 World Championship third-placer ang stand-in nilang si Kier “Ichiji” Sambajon, na humalili muna sa puwesto ni Victor.

‘Di rin naman nagpahuli ang tanyag na Amerikanong jungler. Ang 5/0/1 KDA na naitala niya sa kanyang Balmond noong ikalima at huling mapa ng serye ang sumelyo sa kanilang tagumpay.

Sa post-match interview, ipinabatid ni MobaZane na he’s a “little bit” proud sa kanyang koponan sa naganap na showmatch. Nang tanungin kung bakit hindi pa sagad, inamin niyang ito ay dahil wala ang ilang star players ng SIBOL.

“It would feel better if they had Wise and OhMyV33nus,” aniya.

Mas okay daw sana kung kasama ang V33Wise noong tinalo ng BTK ang SIBOL, ani MobaZane
Credit: realme

Ang showmatch sa pagitan ng BTK at SIBOL ay ang katuparan ng nais ni MobaZane na may makaharap na professional teams habang nasa Pilipinas. Nauna niya ring inihayag sa kanyang stream ang kanyang kagustuhan na matalo ang national esports team.


Para sa karagdagang balita sa esports, at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: MSC 2022 power rankings: RSG PH ang team na dapat antabayanan