Kaunting araw na lamang ay magbubukas na ang Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022) kung saan 12 sa pinakamagagaling na koponan sa Southeast Asia ang magsasalpukan as Kuala Lumpur, Malaysia para hirangin bilang pinakamahusay na team sa rehiyon.

Ngayong taon, lima sa anim na players mula sa MSC 2021 defending champions Execration ang babandera para sa Smart Omega. Nakatakda nilang depensahan ang kanilang korona sa harap ng mababangis na teams tulad ng RRQ Hoshi, ONIC Esports at RSG Philippines.

Heto ang opisyal na power rankings ng ONE Esports para sa MSC 2022.


MSC 2022 power rankings

1. RSG PH

Credit: MPL PH

Kinoronahan ang RSG PH bilang kampyon ng MPL PH Season 9 gawa ng magilas na playoff run kung saan isang beses lamang sila nagapi sa loob ng 11 playoff matches. Winalis nila ang top-seeded ONIC PH at TNC sa upper bracket, bago patumbahin ang Smart Omega sa grand final sa score na 4-1.

Sa direksyon ng dekoradong coach na si Brian “Coach Panda” Lim ay mistulang lumabas ang kamandag ng batang players na sina Dylan “Light” Catipon na reigning MVP ng liga, at ni Nathanael “Nathzz” Estrologo na hinirang naman bilang MVP ng finals.

Minamata ngayon ng RSG PH na kuhanin ang kanilang unang international kampeonato sa MSC 2022, ngunit kinakailangan nilang tagisin ang kakulangan ng experience para magawa ito. Gayunpaman, sila ang tinitignan ng mga miron bilang pinakamahusay na team sa patimpalak.


2. Smart Omega

Credit: MPL PH

Noong pinagulong ang franchised league system noong MPL PH Season 8 ay agad na kinuha ng Smart Omega ang kabuuan ng roster na binatawan ng Execration, ang parehong lineup na nag-uwi ng tropeyo ng MSC 2021.

Sa kasulukuyan, isa ang Smart Omega sa pinakamagilas na koponan sa liga na nakilala sa kanilang husay kapag nadedehado. Matapos mahulog sa 6th place sa standings noong MPL PH Season 9 reguar season, binulaga nila ang buong liga ng patumbahin nila ang super tem na ECHO sa play-ins stage.

Dito sila kumuha ng momentum para ibagsak ang top team na TNC. Kahit pa kinapos kontra RSG PH sa grand final, nanatili sila bilang isa sa mga makamandag na teams sa buong rehiyon. Mas totoo ito lalo pa’t nagbabalik sa porma ang MSC 2021 MVP na si Duane “Kelra” Pillas, kasama ang experience nina Joshua “Ch4knu” Mangilog, at Renz Errol “Renzio” Cadua na kasama niyang kumakamada para sa team.

Susubukan ng Omega na kaldagin muli ang eksena sa MSC 2022 sa kanilang tangka na depensahan ang kanilang titulo.


3. RRQ Hoshi

Credit: Mobile Legends Esports

Pagkatapos kumabig ng apat na MPL ID titles, nararapat lamang na respetuhin ang koponan na tinawag ding the King of Kings. Wala masyadong pinagbago ang roster ng team sa mga nakalipas na seasons, liban na lamang sa pagdating ng dating Genflix Aerowolf player na si Deden Muhammad “Clayyy” Nurhasan noong MPL ID Season 8.

Dahil sa intact pa rin ang kanilang orihinal na roster, walang duda na isa sila sa mga koponan na may pinakmataas na chemistry at in-game experience. At kung may manlalarong kaya bumago ng ihip ng hangin para sa RRQ Hoshi, maaari silang sumandal kay Albert Nielsen “Alberttt” Iskandar.

Kung magagawa ni Alberttt na ma-master ang tank jungle heroes na patok sa competitive play ngayon, asahan na mahihirapan ang kahit sinong haharap sa RRQ sa MSC 2022.


4. ONIC Esports

Credit: Mobile Legends Esports

Ang pangalawa sa pinakamalakas na team sa Indonesia, kilala ang ONIC Esports sa kanilang hyper-aggressive playstyle na patuloy na gumigimbal sa teams ng MPL ID. Dalawa sa kanilang players na sina Muhammad Satrya “Butsss” Sanubari at Gilang “S A N Z” ay maestro sa paggawa ng plays at kayang mag-adjust ng mabilis sa mga sitwasyon, kaya naman nanatili ang ONIC sa rurok ng eksena.

Ang duo rin na ito ang rason sa likod ng upset kontra sa Blacklist International, ang numero unong team noon sa mundo, noong ONE Esports’ MPL Invitational 2021 grand final.

Malaking tulong ang pagbabalik ni Adriand Larsen “Drian” Wong sa lineup dahil siya na lamang ang player na natitira sa orihinal na ONIC roster na nanalo noong MSC 2019. Ang kaniyang championship experience at ang momentum ng team ang dahulan kung bakit mahigpit na katunggali ang ONIC Esports ngayong MSC 2022.


5. RSG SG

Credit: Mobile Legends Esports

Pagkatapos makalawang ulit na puguin ng EVOS SG sa magkasunod na MPL SG seasons, nakumpleto na ng RSG SG ang kanilang redemption arc matapos patumbahin ang karibal nila sa Season 3.

Makakaharap ng team ang kanilang katukayo na RSG PH sa Group B, kung saan magkakatapat din ang dalawang magilas na junglers na sina Brayden “BRAYYY” Teo at Jonard Cedrix “Demonkite” Caranto.

Pangungunahan ng pinaka-experienced player sa roster na si Lim “Ly4ly4ly4” Yang ang team sa kanilang tangka na makuha ang kampeonato sa MSC 2022. Bagamat nakalista bilang sub player, malaki ang magagawa ng kaniyang in-game presence at shotcalling kung nais ng RSG SG na maka-qualify sa playoffs.


6. EVOS SG

Credit: Mobile Legends Esports

Bagamat nabigong kuhanin ang kanilang ikatlong tropeyo sa MPL SG Season 3, tutungo ang EVOS SG sa MSC 2022 ng may momentum matapos manalo ng bronze medal sa 31st SEA Games MLBB Event.

Matatagpuan sa sidelanes ang tunay na lakas ng team. Si Stefan Chong “Soul” Ru Chyi, na nanumbalik sa roster matapos mag-retire, ang tatao sa EXP lane at magiging gabay ng mas batang players sa team gaya ng kanilang mahusay na gold laner na si Adam “Adammir” Chong.

Papalapit na ng papalapit ang team sa kanilang unang kampeonato sa international stage. Kasama si Soul sa team at ng pinakamahusay na gold laner sa Singapore ito ang oras para sa white tigers para patunayan na kasing-husay ng Singaporean teams ang mga koponan sa Indonesia at Pilipinas.


7. Todak

Credit: MPL Malaysia

Malaki na ang naipondo ng Todak sa eksena sa Malaysia ngunit nanatiling kapos ang koponan na makakuha ng tropeyo sa international stage. Hindi naging maganda ang kanilang kampanya a 31st SEA Games MLBB event, at kinakailangan ng team ng panibagong motibasyon papunta sa MSC 2022.

Bagamat kilala ang koponan sa kanilang unique hero picks at strategies, hindi ito pumapalo ng maayos kapag kaharap ang mga teams sa labas ng Malaysia. Kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakaselyo ang team ng karangalan sa international eksena.

Ngunit kung magagawa ni Muhammad “CikuGais” Danial at ng kaniyang co-members na maayos ang kanilang consistency issues bago magsimula ang liga, hindi malayong mataas ang mararating ng Todak sa patimapalak.


8. Impunity KH

Credit: Leng by Smart

Umalingawngaw ang pangalan ng Impunity KH pagkatapos nila maging uanng non-MPL team na makaabot sa MSC 2021 playoffs kung saan pinugo nila ang EVOS SG, 2-0 sa first round, bago patiklupin ng Execration sa second round.

Lalahok sila sa MSC 2022 ng wala ang kaniang star jungler na si Pich “Wightnite” Sopheak, ang nag-iisang player na nakakuha ng Savage noong MSC 2021. Gayunpaman, maaaring hindi ito maging hadlang sa kanilang tangka ngayong taon.

Kamakailan ay nanalo ang Impunity KH sa MPL KH Spring Split 2022  kung saan kinuha na ni Chhuon “Oppi” Phengkong ang jungler duties, taliwas sa kaniyang tipkal na gold lane o midlane role.

At dahil halos buo pa rin ang orihinal na roster na sumabak noong MSC 2021, kapanapanabik ang kayang dalhin ngImpunity KH sa Group D kung saan makakasama nila ang EVOS SG at ang Orange Esports.


9. Falcon Esports

Credit: Falcon Esports

Hindi kilala ang team na Falcon Esports kumpara sa mga koponan na kalahok sa MSC 2022. Sina Pyae Sone “JustiN” Khant, Min “Naomi” Ko ko, at Silent ay galing sa Ronin Esports, isang team sa Myanmar na maganda ang ipinakita sa ONE Esports’ MPL Invitational 2020. Gayunpaman, nanatiling wildcard ang grupo sa paparating na liga.

Sinipa ng Ronin ang Execration at EVOS SG  noon sa invitational, kaya sa saglit na panahon ay nakuha nila ang atensyon ng mga miron, bago humupa at tuluyang mag-disband noong 2021.

Ito ang unang beses na makikita muli ang isang team mula Myanmar sa big stage mula noong M2 World Championship. Maraming miron ang nagpalagay na hindi aabot ang teams mula Myanmar sa playoffs, ngunit sinorpresa ng Burmese Ghouls ang fans ng makarating sila sa grand final kung saan nila ang kalaunan ay kampeon na Bren Esports.

Sampu ng kanilang magandang track record sa lokal na eksena at mga beterano sa kanilang roster, siguradong may itinatagong galaw ang Falcon Esports na ipapakita nila sa pagbubukas ng liga.


10. Orange Esports

Credit: Orange Esports

Nakuha na rin sa wakas ng Orange Esports ang kanilang big break matapos makumpleto ang MPL MY Season 9 sa second place, at ang slot sa MSC 2022. Ito ang kanilang ikalawang international tournament simula noong una silang lumahok sa MPL MYSG Season 5.

May mga pagbabagong ginawa ang Orange Esports para marating kung nasaan sila ngayon. Gayunpaman, marami pa ring dapat patunayan ang revamped roster ng team lalo pa’t kahaharapin nila ang pinakamalalakas na teams sa MSC.

Magsisimula ang group stage sa June 11.

Sundan ang pinakahuli sa MSC 2022 sa pamamagitan ng pagsunod sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ngayong nabasa mo na ang Power Rankings, halina’t sumali sa ONE Esports Fantasy at manalo ng in-game diamonds!

BASAHIN: MSC 2022: Kumpletong roster ng bawat koponan