Matapos ang dalawang seasons umuwing bigo kontra EVOS SG at mapuwesto bilang 2nd placers sa liga, nagawa din ng RSG SG na tapusin ang sumpa sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Singapore Season 3 (MPL SG Season 3) Grand Final.

Sa ikatlong paghaharap kontra EVOS SG, hindi na pinayagan ng RSG SG maulit muli ang kasaysaysan ng putulin nila ang inaasam na threepeat ng White Tigers sa Grand Final, 4-1.


Kampanya ng RSG SG sa MPL SG Season 3 playoffs

Credit: RSG SG

Unang nagharap ang EVOS SG at RSG SG sa upper bracket final kung saan bigo ang kalaunan ay kampyon, 2-1. Kaya naman kinailangan ng RSG SG na akyatin ang matarik na lower bracket final matchup kontra Team Flash.

Umabot muna ng limang laro para malaman kung sino ang aangat sa grand final dahil kakaibang tikas din ang ipinakita ng Team Flash sa lower bracket grand final series. Ngunit naisusulat ng matagal ang muling paghaharap ng EVOS at RSG.

Pagdako ng grand final, binuksan ni Adam “Adammir” Chong ang serye sa pamamagitan ng isang malupit na performance gamit ang Beatrix. Naglista ang gold laner ng 7/0/3 KDA para bigyan ng maagang kalamangan ang EVOS.

Imbis na i-ban ang comfort pick ni Adammir na Beatrix, kinuha ng RSG ang Franco para kay Bellamy “Lolsie” Yeov para puguin ang marksman sa Game 2. Tagumpay ang plano ng RSG SG dahil matinding peek ang ginawa ng Franco ni Lolsie para sa Karrie ni Jovan “babycakes” Ong kaya naman passive ang gameplay ni Adammir.

Bagamat naghabol ang EVOS SG sa kabuuan ng Game 2, nanatiling maayos ang kanilang depensa. Iyon lamang,  isang four-man wipe out sa ika-25 minuto ang nagselyo ng panalo para sa RSG SG upang maitabla ang serye sa 1-1 score.

Uranus naman ni Yeo Wee “Diablo” Lun at Clint ni babycakes ang kumamada para sa contenders sa Games 3 at 4 para makuha nila ang match point.

Mainit ang bakbakan sa huling laro ng serye, ngunit isang highlight play ni Brayden “BRAYYY” Teo gamit ang Karina ang nagibgay sa RSG SG ng kalamangan. Sa ika-13 minuto ng laro, nagawang manakaw ni BRAYYY ang Evolved Lord na epektibong pumurnada inaasam na three-peat ng EVOS.


Ang dalawang teams na ito ang kakatawan sa Singapore sa MSC 2022

Credit: MSC

Naiuwi ng RSG SG ang tumataginting na US$30,000 bilang kampyon ng liga, ang pinakamalaking bahagi sa US$100,000 prize pool ng MPL SG. Ang EVOS SG naman ay nakapag-uwi ng US$15,000.

Magiging kinatawan ang parehong teams para sa Singapore sa paparating na Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022) sa Malaysia ngayong June 11.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita tungkol sa Mobile Legends!

BASAHIN: MSC 2022: Schedule, format, mga koponan, at saan mapapanood