Kumpleto nang dumayo ang limang miyembro ng Mobile Legends: Bang Bang team na BloodThirstyKings, o BTK, sa Pilipinas, ilang buwan matapos mag-isang bumisita ang jungler nilang si Michael “MobaZane” Cosgun.

Sa isang eksklusibong panayam ng ONE Esports Philippines inilahad ni Victor ang personal niyang plano habang nasa Pilipinas ang BTK.

‘Very strong’ daw ang PH server, ani Victor

Ito ang balak gawin ni Victor habang nasa habang Pilipinas ang BTK
Credit: Moonton

Ayon sa gold laner ng  North American team, matagal na nilang plano na bumisita sa Pilipinas at Indonesia, simula pa noong matapos ang M3 World Championship. Hindi lang magtugma ang kani-kanilang tiyempo kaya’t hindi siya nakasama kay MobaZane noong Abril.

Pero dahil daw may mga nag-reach out sa kanila, naging posible ang pagbisita ng buong BTK sa bansa.

Hindi na rin syempre pinalagpas ni Victor ang pagkakataon na makipagbalugbugan sa Land of Dawn habang nasa Pilipinas ang BTK. Aniya, naaayon naman ang kanyang experience sa bansang kasalukuyang may hawak sa mga kampeonato ng MLBB Southeast Asia Cup, M3 World Championship, at kamaikailan lang ay ang SEA Games gold medal.

“The PH server is what I expected—very strong. [I] never underestimated anyone to begin with, but still kept mine and the team’s confidence in my heart,” kwento ni Victor.

(Gaya ng inaasahan ko ang PH server—sobrang lakas. Wala akong minaliit, sa simula pa lang, pero pinanghawakan ko pa rin sa puso ko ang kumpiyansa ko at ng aking koponan.)

Victor, nais maibalik ang M3 form habang nasa Pilipinas ang BTK

Ito ang balak gawin ni Victor habang nasa habang Pilipinas ang BTK
Credit: BTK Facebook fan page

May dalawang agenda si Victor ngayong nasa Pilipinas ang BTK: una ay ang makabalik sa mindset kagaya noong kanlang kampanya sa M3, at pangalawa ay ang mag-stream.

“My plans here is to tap back into the unbothered, zoned out, fantasy mindset I had in M3, to get back in that ‘Demon Mode’ with gaming and everything around me,” pagbabahagi ni Victor.

(Ang plano ko habang narito ay makabalik sa mindset na meron ako noong M3, ang makabalik sa ‘Demon Mode’ sa gaming at lahat ng bagay sa paligid ko.)

Ibinahagi rin ni Victor ang kanyang kagustuhan na makabalik sa streaming habang nasa bansa.

“After M3, I took a 5-month streaming break due to my personal anguish, and my real fans deserve entertainment and teachings from me,” aniya.

(Pagkatapos ng M3, limang buwan akong tumigil sa pagii-stream dahil sa mga personal na pinagdaraanan. Deserve ng mga totoo kong fans ang entertainment at mga kaalaman mula sa akin.)

Bukod dito, ipinabatid din ni MobaZane na nais nilang makalaban ang SIBOL MLBB team, na binubuo ng mga miyembro ng Blacklist International. Kumpiyansa raw ang Amerikanong jungler na kaya ng BTK ang gold medalist ng 31st SEA Games.

Credit: MPL Philippines

Matupad kaya ang bakbakan sa pagitan ng BTK at SIBOL?


Para sa karagdagang balita sa esports, at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Performance ni Wise sa 31st SEA Games patunay ng kanyang husay bilang jungler