Kahapon lang ay umugong ang balita ng pagbabalik ni BloodThirstyKings star jungler Michael “MobaZane” Cosgun sa Pilipinas. Pero sa pagkakataong ito, kasama na niya ang iba pang mga miyembro ng BTK.

Sa isang eklusibong panayam kasama ang ONE Esports Philippines, ipinaliwanag ni MobaZane ang dahilan kung bakit nandito sila sa isa sa pinakamalalakas, kung hindi man pinakamalakas, na rehiyon ng Mobile Legends: Bang Bang competitive scene.


Ibinunyag ni MobaZane ang dahilan ng pagpunta ng buong BTK sa Pilipinas

BTK sa M3
Credit: Moonton

Unang napadpad si MobaZane sa bansa noong ika-8 ng Abril at nagtagal ng halos isang buwan. Personal niyang naranasan ang bangis ng MLBB meta sa Pinas at nakalaro ang ilang MPL PH players tulad nila M3 world champions Salic “Hadji” Imam at Kiel “OHEB” Soriano ng Blacklist International, at M2 world champion Allan “Lusty” Castromayor ng Bren Esports. Siyempre, nasubukan niya rin ang kulturang Pinoy.

Sa kanyang stream noong ika-27 ng Abril, ipinahiwatig ng North American MLBB stalwart na magbabalik siya sa Pinas kasama na ang kanyang mga kakampi sa M3 third-placer BTK na sila Ian “FwydChickn” Hohl, ZIA, Victor at SHARK. At natuloy nga ang planong ito, base na rin sa mga streams nila MobaZane at FwydChickn kahapon lang.

“Well, me and the rest of BTK came to the Philippines to just test out the environment. I want to see the difference between me coming alone compared to me playing with four other BTK members. We also wanted to scrim with some of the top tier teams in the Philippines, I mean see how we can stack up against them,” paglalahad ng 20-year-old American pro.

Credit: Moonton

Ibinahagi rin ni MobaZane na sila-sila lang ang nangangalaga sa sarili nila at sinisiguradong hindi sila nagpapabaya pagdating sa laro kahit pa wala silang organisasyon, coach o analyst na nagbabantay sa kanila.

“Back when I first came here there was already a bootcamp all set up for me. And it was just really easy, I just showed up and stream. But this time, when I came with BTK, we just found a place and rented it, and yeah we’re just living at that and we’re taking care of ourselves on our own.”

“I feel like we all have to keep each other in check a little bit. You know what I mean? To make sure nobody’s slacking too hard or something like that.”

Isiniwalat niya na naka-scrim nila ang isa sa mga koponan ng sikat na PH MLBB personality at Nexplay EVOS coach na si Setsuna “Akosi Dogie” Ignacio at aminado siyang hindi maganda ang kinalabasan nito para sa kanila.

“We were doing very good in the early game but Dogie’s team was able to outperform us in the late game,” sabi niya. “Maybe (first time jitters). I think we could do better next time we scrim them especially when we work on our late game.”


Nais ng BTK na makaharap ang Sibol MLBB

Credit: MPL Philippines

Ibinunyag din ni MobaZane na target nilang makalaban ang Sibol MLBB squad na kamakailan lang ay pinaluhod ang all-star team ng Indonesia upang mangibabaw sa 31st Southeast Asian Games.

“I wouldn’t mind trying to compete with the Sibol team and seeing how strong they are because they just won the SEA Games over Indonesia to get that gold medal.”

“I really wanna compete against them and see if we can beat some gold medalists.”

Credit: SEA Games

Tiwala si MobaZane na kaya nilang manalo kontra sa Sibol na binubuo ng Blacklist International sa pangunguna ng mga beteranong sila Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna, Danerie James “Wise” Del Rosario at Hadji. Ang rookies na sila Lee Howard “Owl” Gonzales at Kyle “Dominic” Soto ang iba pang miyembro ng koponan.

Matatandaang pinatumba ng BTK ang Blacklist, 3-2, sa M3 upper bracket first round bago bumawi ng 3-1 win ang koponan ng Tier One sa lower bracket finals at walisin ang ONIC PH, 4-0, para sungkitin ang world title.

“I think it’s definitely possible that we can win,” wika ni MobaZane.

Magaganap kaya ang kaabang-abang na BTK vs Sibol MLBB matchup?


Manatiling nakatutok sa MLBB news, guides at highlights sa pamamagitan ng Facebook page ng ONE Esports Philippines.