Matapos tulungan ang Team SIBOL MLBB maiuwi ang gintong medalya sa 31st SEA Games sa Vietnam kamakailan, wala ng kuwestyon sa isipan ng madla na ang kapitan ng Blacklist International na si Johnmar “OhMyV33NUS” Villaluna ang isa sa pinakamagagaling na lider at pro player ng Mobile Legends.

Kaliwa’t-kanan ang papuring natatanggap ngayon ni OhMyV33NUS, at may dahilan kung bakit gayon na lamang ang alingawngaw ng kaniyang pangalan sa larangan. Bukod sa magigilas na maniobra sa mga signature heroes niya na Estes, Rafaella, Diggie at Popol and Kupa, partikular na henyo ang beteranong support player sa kaniyang abilidad na mag-shotcall.

Credit: SEA Games

Ito ang pinatotohanan ng MPL caster at dating Nexplay Esports analyst na si Neil “Midnight” De Guzman.


Midnight personal na nasaksihan ang gilas ni OhMyV33NUS sa shotcalling

Credit: Midnight

Bago pa man iuwi ang ginto mula sa SEA Games, isa na si Midnight sa mga personalidad sa eksena na bukambibig ang husay ng Blacklist pro player lalo na sa larangan ng shotcalling. Sa panayam kasama ang ONE Esports Philippines, ibinihagi ng MPL talent kung bakit ganito na lamang ang kaniyang papuri sa esports star.

Paglalahad ng analyst, “Evident naman sa mga papuri sa kanya ng mga kakampi nya and sa history niya na rin. May mga videos na sa social media ng shotcalling ni V33NUS sa Blacklist pero personally ko kasi nakita at narinig yung mga calls nya sa kakampi nya na tipong pati gamit ng skill at kung sino ang target nasasabi nya.”

Bukod sa shotcalling, malaki rin daw ang impluwensiya ni OhMyV33NUS sa mgs batang players sa paligid niya. Dagdag ng caster, ” Malaki na rin kasi experience ni V33nus, galing sa ibang MOBA at sa Mobile Legends. Ang kinagandahan kasi lalo nung lumipat sya sa Blacklist, napuwersa silang mag-mature.”

Credit: SEA Games

“Nasabi sakin ni Edward before na dahil nga daw puro bata sila parang yung V33Wise na nag-step up para maalagaan yung MV3. Siyempre dagdag pa yung knowledge at skill, mahirap tapatan yung kalibre ni V33NUS.”


Bakit hindi gumagana ang Hack-a-V33NUS strat ayon kay Midnight

Sa gold medal match kaharap ang Indonesia, sinubukan ng kalaban na ubusan ng heroes si OhMyV33NUS sa pag-asang mapuwersa ang SIBOL na magbago ng atake sa mapa. Ngunit kung babalikan ang mga kaganapan sa nasabing serye ay hindi naging matagumpay ang drafting style na ito ng Indonesia.

Credit: SEA Games

Ayon kay Midnight, mas lumalabas ang tunay na henyo ng Blacklist support player sa mga puntong ito. Kuwento niya, “Personally, na try na namin yung hack-a-v33nus strat nung nasa NXPE pa ako and ang na-realize ko is sa lawak ng hero pool ni V33NUS, kabisado niya yung strats and mga heroes na bagay sa kung ano man ang natitira sa kanya.”

Dagdag pa ng MLBB personality, “Kumbaga yung comp parin talaga pinakamahalaga and kahit anong hero ibato mo sa kanya alam niya kung anong role niya dun sa specific comp na yon. Kahit pa Diggie lang.”

I-follow at i-like lamang ang Facebook page ng ONE Esports Philippines para sa mga eksklusibong panayam katulad nito.

BASAHIN: Coach Pakba1ts ibinahagi ang kaniyang mga karanasan kontra Blacklist International