Magsisimula na sa Hunyo ang Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup (MSC) 2022 pero ngayon pa lang ay ipinasilip na ng Moonton ang paparating na MSC 2022 pass.

Maaaring bumili ang mga manlalaro ng MSC 2022 pass para makakuha ng exclusive rewards habang tumatakbo ang torneo tulad ng Hierophant Pharsa at Earth’s Mightiest Claude skins.

Narito ang lahat ng freebies at events na nakapaloob sa MSC 2022 pass.


Magiging available ang MSC 2022 pass bago pa man magsimula ang torneo

Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Mapapanood ang MSC 2022 pass teaser sa YouTube channel ng MLBB. Ipinakita rito na ang upgraded pass ay magiging available simula ika-6 ng Hunyo at maaari lang itong mabili hanggang ika-20 ng naturang buwan.

Pagkatapos bumili ng pass, agad na makakatanggap ng exclusive Hierophant Pharsa skin ang mga players, ang unang MSC Epic skin, at 1,000 MSC coins na pwedeng gamitin sa pagkuha ng rewards.

Makakatanggap din naman ng MSC 2022 pass ang free players pero kailangan nilang magtrabaho ng extra sa pagtapos ng tasks upang makakuha ng exclusive skins at rewards.


Paano makakuha ng Hierophant Pharsa nang libre?

MSC 2022 pass event shop
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Posibleng makakuha ng exclusive skin kahit hindi bumili ng upgraded pass kaya nga lang kailangan ng pasensya para magawa ito. Ayon sa teaser, kailangan ng sumatotal na 25,900 MSC coins para ma-exchange sa skin.

Makukubra ang coins sa pamamagitan ng pagkumpleto sa tasks at pagsali sa iba’t-ibang events ng torneo.

Heto ang schedule ng lahat ng events kung saan makakakuha ng libreng MSC coins:

EVENTSCHEDULE
Champion GuessJune 6-10
MSC GuessJune 8-19
Ranked boostJune 6-19

Kung meron ka nang upgraded pass at hindi mo trip ang Pharsa skin, pwede mong ipapalit ang iyong MSC coins sa iba pang rewards tulad ng Space Explorer Jawhead, Earth’s Mightiest Claude o iba pang MSC in-game rewards.



Maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa MLBB news, guides at highlights.


Pagsasalin ito ng artikulo ni Jules Elona ng ONE Esports.