Nagsusumiksik sa aksyon ang unang araw ng MLBB Women’s Invitational (MWI 2022) ng ONE Esports at Moonton.

MLBB MWI 2022 IDNS Princess Smart Omega Empress
Credit: MWI 2022

Sa unang pasabog ay nagharap ang IDNS Princess ng Laos at Smart Omega Empress ng Pilipinas. Umabot ng halos 40 minutes ang unang laban ng MWI 2022 kung saan nagwagi ang IDNS Princess sa kabila ng kalamangan ng mga Empress sa score na 20-11. Tinanghal na MVP si Silver Chen “SILVER” Jun Yun gamit ang kanyang Cecilion na may KDA na 3/1/5.

Tinalo ng GPX Basreng ang Impunity Starlets nang matapos ang match sa score na 15-6 kung saan ginamit ng Basreng ang kanilang early game lineup advantage. Dahil dito ay naging madali para sa Indonesian team ang makapag-invade at kumuha ng neutral objectives. Si Fanny Cynthia “Funi” Dewo ang naging MVP gamit ang kanyang Lylia na may KDA na 4/1/10 at 93% kill participation.

MLBB MWI 2022 Funi MVP
Credit: MWI 2022

Isang domnanteng panalo naman ang nakuha ng BREN Victress sa On Air Pipol ng Malaysia sa score na 18-1 sa match na tumagal lamang ng halos 11 minutes. Nakuha ni Alexandria Dhzoie “Lexaaa” Dardo at ng kanyang Kagura ang titulong MVP sa KDA na 5/0/10. Naging mahusay rin ang tandem nila ng kanilang jungler na si Ayezha Nicole “ASHEE” Alampayan na isinakripisyo ang kanyang Ling upang makapagbigay ng oras para makapasok ang team sa base ng On Air Pipol at tuluyang tapusin ang match.

MLBB MWI 2022 On Air Pipol BREN Victress
Credit: MWI 2022

Isang matinding panalo rin ang kinuha ng Bigetron Era nang talunin nila ang Lugiami sa score na 14-1. Naging sobrang dominante at agresibo ang Bigetron Era hanggang sa puntong nasakop na nila pati ang jungle ng Lugiami. Si Vorelle Valencia “Vival” Chen, gamit ang kanyang Fanny na may 5/0/5 KDA, ang tinanghal na MVP para sa match na ito. Naging susi rin sa pagkapanalo ng Bigetron Era ang maagang pag-activate ng Cecilion ni Cindy Laurent “Cinny” Siswanto.

Magandang initiation at mahusay na set-up ang nagpanalo sa Karra laban sa IDNS Princess. Mahusay ang ipinakita ng lahat nang miyembro ng Karra sa mga skirmish na naganap, ngunit nangibabaw ang Esmeralda ni Vanessa “BUNEELOFA” Natasha Abdullah na nagsilbing damage dealer at sustain hero ng team, kung kaya’t sya ang tinanghal na MVP sa KDA na 2/2/10.

MLBB MWI 2022 Karra IDNS Princess
Credit: MWI 2022

Nakuha ng Smart Omega Empress ang kanilang unang panalo sa liga nang makapag-adjust sila laban sa Impunity Starlets. Maganda ang ipinakitang map control ng Empress sa tulong ng burst damage ng Lylia ni Rica Fatima “Amore” Amores na pumwersa sa mga kalaban na umatras sa bawat team fight. Dahilan kung bakit sya ang naging mVP ng match sa kanyang KDA na 5/1/5 at kill participation na 91%.

Walang natamong talo ang GPX Basreng para sa unang araw ng MWI 2022 matpos nilang kunin ang kanilang ikalawang panalo mula sa Karra kung saan naipanalo nila ang lahat nang team fights. Naging malaking tulong ang mga assist mula sa Jawhead ni Winda Dwipattdiana “Earl” Lunardi, pati na rin ang husay ng pagbato ng skills ng Beatrix ni Destria Chinca “Chincaaw” Dewi. Sa ikalawang pagkakataon para sa araw na ito ay tinanghal na MVP si Funi na may KDA na 5/0/11.

Credit: MWI 2022 GPX Basreng Karra
Credit: MWI 2022

Tulad ng kapwa Indonesian team, kumuha rin ng ikalawang panalo ang Indonesian WSL champion na Bigetron Era laban sa BREN Victress. Naging pahirap para sa Victress ang Kagura ni Cinny, pati na rin ang zoning ability ng Yu-Zhong ni Isnaini “Valanyr” Nurfajri na naging hadlang sa kanilang pag-contest. Natapos ang match sa score na 13-1 kung saan muling hinirang na MVP si Cinny.

MWI 2022 Group Standings

MLBB MWI 2022 Day 1 Standings
Credit: MWI 2022

Group A

  • GPX Basreng 2-0
  • Karra 1-1
  • IDNS Princess 1-1
  • Smart Omega Empress 1-1
  • Impunity Starlets 0-2

Group B

  • Bigetron Era 2-0
  • BREN Victress 1-1
  • Lugiami 0-1
  • On Air Pipol 0-1

Abangan ang mga pangyayari sa Day 2 ng MWI 2022 ay magsisimula nang 12:00 p.m. GMT+8, at mapapanood sa official Facebook page ng ONE Esports Philippines.