Isa nanamang tagumpay para sa women’s esports!
Ang kadadaos lamang na ONE Esports MLBB Women’s League (MWI 2022) ang most watched women’s esports event of all time ayon sa Esports Charts, isa nanamang booster sa patuloy na lumalawak na female MLBB esports eksena.
Malaki ang dulot ng ONE Esports MWI 2022 sa women’s MLBB eksena

Nagtala ang MWI 2022 ng tumataginting na 392,405 peak viewership sa grand finals showdown ng GPX Basreng at Bigetron Era ayon sa Esports Charts.
Malaki ang agwat ng peak viewership na ito sa pangalawang most watched women’s tournament na Woman Star League Season 3 na nakatanggap ng peak viewership ng 129,702.
Base sa inilabas na report, 84% ng hours watched sa tournament ay galing sa Indonesia kung saan malawak ang pagtangkilik sa Mobile Legends: Bang Bang.
Ang patuloy na paglawak ng Mobile Legends at ibig sabihin nito sa women’s esports

Namayagpag ang Mobile Legends noong 2021 na nilagpasan ang Dota 2 para maging pangatlo sa most watched esports title sa mundo.
Nakakuha ang flagship game ng Moonton ng dambuhalang 387.2 million hours watched. Malaking parte ng hours watched na ito ay galing sa M3 World Championship kung saan nakapagtala ang esports title ng 3.2 million peak viewers ayon parin sa Esports Charts.
Sa unang puwesto ay ang League of Legends na patuloy na dominanteng esports title at may talang 664.1 million hours watched, kasunod ang CS:GO na may 758,567 peak viewers.

Ngayong nagsisimula pa lamang ang 2022, malaki ang tiyansang makakatamo ulit ang Mobile Legends ng bagong milestones dulot ng suporta ng community at ng patuloy na lumalaking esports eksena.
Para sa mga balita tungkol sa MLBB, sundan ang Facebook page ng ONE Esports Philippines.
BASAHIN: Bigetron Era kinoronahan bilang kampeon ng MWI 2022