Ipinabatid ni Dexter “Exort” Martinez ang kanyang matinding nais na makabawi kontra Nexplay EVOS matapos niyang tulungan ang RSG PH na magtagumpay kontra ONIC PH sa ika-apat na linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) Season 9.

Kahit pa isang scrim at ilang ranked games lang ang nagsilbing ensayo ng beteranong manlalaro bago magdesisyon ang kanyang koponan na isalang siya kapalit sa may sakit na si Arvie “Aqua” Antonio, nagsilbi pa ring susi si Exort sa tagumpay nila laban sa runner-up ng M3 World Championship.

Matapos ang RSG PH kontra ONIC PH, Nexplay EVOS markado kay Exort

Nexplay EVOS markado kay Exort matapos ang panalo ng RSG PH kontra ONIC PH
Credit: MPL Philippines

Matatandaang galing sa Nexplay EVOS si Exort noong ikapitong season ng liga bago lumipat sa RSG PH noong nakaraang season.

At dahil ang dating koponan na ng ngayo’y midlaner ang susunod nilang kahaharapin, idineklaro sa post-game interview na markado kay Exort ang Nexplay EVOS.

“Gusto ko talaga sila talunin, simula last season pa. Pero last season kasi hindi ako nakabawi sa kanila, talo kami noon, 0-2, naglaro ako isang series noong gold laner pa ako. Eh ngayon, siyempre gigil talaga ako bumawi—gusto ko sila talunin,” ani Exort.

Nang tanungin ang pinanghuhugatan nang kanyang gigil, narito ang sinabi ng 21-taong-gulang na pro:

“Former team ko kasi, parang masarap din kasi sa feeling na durugin mo ‘yung former team mo… gusto ko lang talunin.”

Unang beses na lumaro si Exort ngayong season sa serye ng RSG PH kontra ONIC PH. Nakapagtala ng tatlong kills at game-high 10 assists kontra isang death ang kanyang Yve sa huling mapa ng serye. Nag-ambag rin siya ng 45,295 damage sa kalaban, pangalawa sa pinakamaraming sa nasabing laro.

Nexplay EVOS markado kay Exort matapos ang panalo ng RSG PH kontra ONIC PH
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Samantala, nakatakdang magharap ang RSG PH at Nexplay EVOS sa ika-19 ng Marso sa ganap na ika-apat ng hapon.


Matapos ang panalo ng RSG PH kontra ONIC PH, naka-upo na sa ikalawang spot ng standings ang koponan nina Exort nang may 13 puntos mula sa limang panalo at dalawang talo.

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Philippines, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: MP the King may mensahe sa mga nagkukumpara sa kanila ni H2wo