Opisyal nang inanunsyo ng Nexplay EVOS ang pag-alis ng kanilang analyst na si Neil “Midnight” De Guzman.

Ito ay sa kabila ng 4th place finish ng koponan sa nagdaang Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) Season 8. Ang nasabing placing ay ang pinakamataas na nakamit ng organisasyon simula noong maka-qualify ito sa liga noong Season 6.


Bakit umalis sa NXPE si Analyst Midnight

Bakit umalis sa NXPE si Analyst Midnight
Credit: Midnight

Sa panayam ng ONE Esports Philippines kay Midnight, inamin niyang ang desisyon na umalis sa nasabing koponan, bagamat kanyang inasahan, ay isang bagay na hindi bukal sa kanyang kagustuhan.

“I’m a shoutcaster, an analyst, a businessman, a coach, and an instructor. My duties and responsibilities collided during the regular season and I had to juggle between those that I can. I got over it but it was so hard to focus on the many goals that I set for myself,” paliwanag niya.

Dagdag ni Midnight, kailangan niya muna mag-focus sa mga bagay na kanyang sinimulan matapos i-prioritize noong nagdaang season ang pag-training sa Nexplay EVOS.

Credit: Nexplay Esports

Ipinabatid din ni Analyst Midnight sa sana’y matuloy ng kanyang dating koponan ang maganda nilang nasimulan:

“It was fun working with the boys over at Nexplay and I hope they’ll be able to continue the great things we started. I wish them nothing but the best for the upcoming years and seasons.”


Ang susunod para kay Midnight

MLBB Midnight
Credit: Midnight

Ngayong wala na sa organisasyon si Midnight, ibinahagi niya rin sa ONE Esports Philippines ang mga susunod niyang hakbang.

“As for me, I’ll still do things that I have acquired from my stay there, doing vlogs and updates albeit with a different approach now,”

Aniya, ang priority niya ngayon ay i-rebuild ang mga bagay na hindi niya nagawa noong mga nakaraang buwan.


Sa pag-alis ni Midnight, naglathala naman ang head coach ng NXPE na si John Michael “Zico” Dizon sa kanyang social media na sila ay naghahanap ng assistant coach o analyst para sa susunod na season ng MPL PH.