Malapit nang magsisimula na ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2021 (MPL 2021).

Ang MPLI 2021 ay lalahukan ng 20 sa pinakamahuhusay na Mobile Legend teams sa buong Southeast Asia kung saan mayroong limang Pinoy teams at isa dito ang Nexplay EVOS (NXPE).

Sa isang eksklusibong panayam ng ONE Esports sa NXPE analyst na si Neil “Midnight” De Guzman, ibinahagi nya kung paanong naghahanda ang kanyang team para sa nalalapit na international tournament kabilang na ang pagpapanatili ng fighting spirit ng koponan.

“One thing that I tell my players is that if the game has not yet finished, the mindset is just to focus on winning,” kwento ni Midnight. “Everything that doesn’t matter, it goes out of their way and everything that they want in every moment of the game is to win.”


Si Renejay ang most improved player sa NXPE

MLBB NXPE Renejay
Credit: Renejay

Sa panayam na ito, binigyan din ni Midnight ng papuri ang NXPE EXP laner na si Renejay Barcarse bilang most improved player sa kanilang team. Ayon sa kanya, isang average player lamang ang tingin nya noon sa EXP laner ngunit malaking pagbabago ang ipinakita nito noong mga nakaraang season ng MPL PH.

“I actually told Renejay back in Season 6 of MPL PH, I always thought of the guy as an average player. But when season 7 rolled around, I saw the development, I saw the improvement. The potential that everyone saw in him 2 years ago is already out now so I think Renejay is the most improved player in the team right now.”


NXPE gustong makaharap ang Alter Ego at EVOS Legends

MLBB NXPE Midnight MPLI 2021 Interview
Credit: ONE Esports

Nang tanungin kung sinong team sa MPLI 2021 ang gustong makaharap ni Midnight para sa kanyang team, dalawa ang ibinigay na sagot ng analyst.

“First of all, I want to face Alter Ego because they’re really a strong team,” sagoit ni Midnight. “The thing about Alter Ego is that they never falter, there’s always that idea that Alter Ego can beat any team and can win any tournament.”

Para naman sa ikalawang team na nais nyang makaharap sa MPLI 2021, pinangalanan ni Midnight ang kanilang Indonesian partner na EVOS Legends.

“The other team that we want to face is EVOS Legends, the partner of Nexplay EVOS. We have scrimmed a lot but we have never faced each other in competitive setting.”

Dagdag pa ni Midnight, nais nyang sukatin ang narrating ng kanilang pinaghirapan sa pamamagitan ng paglaban sa kanilang Indonesian counterpart. “It’s going to be fun to see if the fruits of our labor would prove to be successful.”

Unang makakalaban ng NXPE sa MPLI 2021 ang Rebellion Genflix ng Indonesia sa November 3, 8:45 p.m GMT+8.

Mapapanood ang mga laban sa MPLI 2021 sa official Facebook page ng ONE Esports Philippines.