Si Odette, ang Swan Princess ng Land of Dawn, ay nakatanggap sa wakas ng kinakailangang revamp dahil sa Mobile Legends: Bang Bang patch 1.6.18. Bagamat hindi masyadong nagbago ang kanyang mga skill, ang revamp na ginawa sa kanya ay maaaring dalhin siya pabalik sa meta.

At ngayong nasa all-time high ang kanyang popularidad sa ranked games, narito ang guide tungkol sa pinakamagandang item build para kay Odette.


Revamped skills ni Odette sa Mobile Legends patch 1.6.18

Bago tayo pumunta sa item build, narito muna ang revamped skills ni Odette sa bagong patch.

Blue Nova (Skill 2)

  • Nagbabato si Odette ng set ng magic energy balls na nakaka-damage at immobilize sa tinamaang kalaban. Isa pang energy ball ang lilitaw at aatakehin ang pinakamalapit na kalaban (inuuna ang mga kalabang hero).

Swan Song (Ultimate)

  • Kumpara sa lumang bersyon, lumulundag na ngayon si Odette nang maikling distansya habang kina-cast ang kanyang Swan Song at ang nakaraang damage reduction ay pinalitan ng shield effect.

Bago ang revamp, napakahirap mag-set up ng play gamit ang Blue Nova. Ngayon, pwede na niyang ma-stun/immobilize ang kalaban na hero sa likod ng isang minion o creep.

Pagdating naman sa Swan Song, malaki ang naitutulong ng dinagdag na lundag dahil binibigyan siya nito ng mas magandang tsansa sa pag-position ng kanyang ultimate. Ang shield effect ay isa ring game-changer. ‘Pag nakakita ka ng Odette na may malaking shield habang ginagamit ang Swan Song, ‘di malabo na mapaatras ka na lang imbes na subukan siyang patumbahin.


Ano ang pinakamagandang item build para kay Odette ngayon?

Credit: Moonton

Sa kabila ng mga pagbabago, madali pa ring mapatay ang Swan Princess ng mga assassin o marksman. Pero may sikreto para ma-maximize ang shield ng kanyang Swan Song.

Ang defensive item na Oracle ay nagbibigay ng kinakailangan niyang survivability partikular na ‘pag ginagamit ang Swan Song. Pinapataas nito ang kanyang shield na mabisa sa mga team fight. Ang Genius Wand ay akma rin para sa kanyang ultimate at iba pang skills.

Unahin niyo ang dalawang item na ito. Ang iba pang item na bibilhin niyo ay magdedepende sa lineup ng kalaban.

Heto ang pinakamagandang item build para kay Odette kontra sa isang balanseng lineup:

  • Arcane Boots
  • Genius Wand
  • Oracle
  • Lightning Truncheon
  • Holy Crystal
  • Winter Truncheon

Kung malaki ang kalamangan niyo sa isang laro, maaaring niyong palitan ng Blood Wings ang Winter Truncheon.


Base ito sa orihinal na artikulo ni Jules Elona ng ONE Esports.