Isa si EVOS Wann sa mga tinitingalang Mobile Legends: Bang Bang players sa mundo dahil sa mga naabot niya sa eksena. Isa sa mga highlight ng kaniyang makulay na karera ang pagkamada niya sa EVOS Legends para makalawit ang M1 World Championship.

Unang nagpakitang-gilas ang pro sa 2019 Esports President’s Cup na kalaunan ay tumulong sa kaniya na makakuha ng kontrata mula sa White Tigers. Hindi pinayagan ni EVOS Wann na mabigo ang esports organization dahil hindi nagtagal ay binigyan niya ang grupo ng una nilang kampeonato sa MPL ID Season 4, na nagbigay sa kanila ng tiyansang makalahok sa inagurual liga ng M World Series.

Credit: Moonton

Ngunit gaya ng pinagdadaanan ng lahat ng pro athletes, dumating na din sa punto ng karera ng esports star ang unti-unti niyang pagbaba mula sa trono na matagal niyang inupuan.

Partikular na naging malubak ang kaniyang kampanya sa mga nakaraang taon kung saan nasaksihan ng mga miron ang pagbaba ng kaniyang performance gayundin ang kaniyang inconsistent gameplay.

Bagamat wala na sa kaniyang peak ay isa pa rin si EVOS Wann sa may pinakamalawak na karanasan sa eksena kung kaya’t marami pa ring koponan ang interesadong makuha ang beterano.


Magkano ang offer para kay EVOS Wann?

Credit: Wann

Kahit ang EVOS Legends analyst na si Setiawan Ade ay buo pa rin ang tiwala sa kakayahan ng ngayon ay midlane player.

Sa tanong kung anong team ang pinakamalapit na makanakaw sa pro, bukambibig ang team na GPX lalo na kung susuriin ang pagiging malapit ng executives ng dalawang koponan. Partikular sa mga ito ay si Donkey.

Kamakailan ay inilahad ni Donkey na nagbigay na ng offer ang GPX sa EVOS Legends para makuha ang serbisyo ni EVOS Wann.

Aniya, “Honestly, Wann was sold for Rp800 million (humigit-kumulang PhP 3 Million), I bid for Rp500 million (nasa PhP 1.8 Million). Hopefully EVOS wants to take off at that price,”

https://www.tiktok.com/@abinyayoga_/video/7118333170986110234?referer_url=https%3A%2F%2Fwww.oneesports.id%2F&referer_video_id=7118333170986110234&refer=embed&referer_url=https://www.oneesports.id/mobile-legends/donkey-bocorkan-harga-evos-wann/

Kung ma-lalanding ng GPX ang pro ay siguradong malaki ang maiaambag niya gawa ng kaniyang international experience at ang boses in-game.

Ito ay pagsasalin sa sulat ni Alfa Rizki ng ONE Esports ID.

BASAHIN: EVOS Legends analyst Setiawan Ade: Magkasing-galing si EVOS Wann at Hadji sa midlane ngunit pinanghihinaan lang ng loob dahil sa netizens