Si Kiel “OHEB” Soriano ay isa sa mga respetadong gold laners sa MLBB scene. Sa kasamaang palad, hindi naging maganda ang kanyang performance sa Blacklist International para sa MPL PH Season 9.

Kinailangan nilang maglaro nang wala sina OhMyV33nus at WISE na piniling magpahinga para sa Season 9, ngunit mahina kumpara sa inaasahan ng marami ang naging performance ng Blacklist International na hindi man lang nakaabot sa playoffs.

Marami na ang nagsabi ng dahilan kung bakit ganoon ang naging laro ng Blacklist, kabilang na si Coach BON CHAN at iba pang mga analysts. Ngunit sa pagkakataong ito, si OHEB naman ang nagkwento sa sa maalamat na EVOS Legends player na isa ring malaking streamer, si Oura.

Oo, ang dalawa sa pinakamahusay na MLBB players mula sa dalawang magkaibang panahon ay nagsama at naglaro sa unang pagkakataon. Ito ang unang pumasok sa isip ng mga fans nang i-upload ni Oura ang kanyang YouTube content kasama si OHEB. Kasama rin nila sa party sina FJ20, Loong, at Skylar.

Syempre, maraming naintriga sa kung paano ang magiging gameplay ng team gayung magkasama ang mga MVPs ng M1 at M3.

M1 World Championship EVOS Legends

Sa kasamaang palad, hindi naglaro sa gold lane si OHEB. Sa halip ay gumamit siya ng Ling, habang si Oura naman ay gumnamit ng Phoveus.

Ikinwento ni OHEB kung bakit nabigo ang Blacklist International sa MPL PH Season 9

Masaya si Oura na makalaro si OHEB. Sa kanyang palabirong istilo, agad niyang tinanong ang issue tungkol sa Blacklist International.

Nagkamali siya noong una nang akalain niyang hindi naglaro ang Filipino player nitong nakaraang season.

OHEB MVP
Credit: Youtube/Mobile Legends: Bang Bang Official

“I played MPL PH S9, but we lost. This is because our chemistry is not good. At that time there was a jungler and new support,” sagot ni OHEB nang tanungin siya ni Oura kung bakit sila natalos sa MPL PH S9.

Ang bagong jungler na si Kevier ang pumalit sa pwesto ni WISE para sa Blacklist International, habang nagsasalitan naman sina Eson at Dex Star para punan ang pwesto ni OhMyV33nus.

Blacklist International MPL PH Season 9
Credit: MPL PH

Sa kabila nito ay marami ang nakahula ng pagkabigo ng Blacklist, at umaasang itotodo lang nila ang kanilang lakas pagdating ng Season 10 para sa M4. Kinailangan ding mag-focus nina Wise at OhMyV33nus ang kanilang paglalaro para sa SIBOL.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.