Hatid sa inyo kasama ang Samsung.

Muling nagbabalik si Harith bilang isa sa mga premyadong mage hero para sa gold lane sa kasalukuyang meta ng Mobile Legends: Bang Bang.

Ito ay dahil sa kanyang kakayahan na gawin ang Harith unli dash o ang paulit-ulit na pag-cast ng kanyang second skill na Chrono Dash kahit sa mga unang minuto pa lang ng laro, basta’t may nakalapag ang kanyang Zaman Force ultimate.

Tanggalin ang kulit ni Harith gamit ang 3 pangontra na hero sa MLBB

Dahil dito, malaki ang potensyal na makapitas siya ng solo kills at dominahin ang kalabang gold laner, na kadalasan ay isang malambot ng marksman hero.

Sa ONE Esports guide na ito, ituturo namin sa inyo kung paano magawa ang Harith unli dash sa early game gamit ang tamang emblem set at items.

Kunin ang emblem set at items na ito para magawa ang MLBB Harith unli dash sa early game

Emblem

Mage Emblem at Inspire talent para magawa ang MLBB Harith unli dash sa early game
Credit: ONE Esports

Susi ang pagkakaroon ng ekstrang cooldown reduction para makamit ang Harith unli dash. Sapat na ang 30% reduction para magawa ito habang aktibo ang Zaman Force ultimate.

Kaya naman kakailanganin mo ng emblem at talent na makakatulong sa’yo na maabot ang naturang stats.

3 pinakamalakas na mage heroes pangontra sa marksman

Para sa iyong pangunahing emblem, piliin ang Mage Emblem. Nagbibigay ito ng limang porsyentong CD reduction, bukod pa sa +30 magic power at +8 magic penetration na swak para sa Time Traveler.

Pagdating sa talent, kunin ang Inspire sa unang tier. Nagkakaloob ito ng karagdagang limang porsyento ng cooldown reduction.

Ang pinagkaiba ng DPS at Burst Damage sa MLBB

Sa emblem pa lang, mayroon ka na agad adisyunal na 10% CD reduction.

Para sa iba namang talents, maaari mong piliin ang Festival of Blood para sa spell vamp, at Impure Rage para sa adaptive damage na may kasamang mana restoration.

Mga item sa early game

Magic Shoes, Azure Blade, at Starlium Scythe items para magawa ang MLBB Harith unli dash sa early game
Credit: ONE Esports

Maaabot mo ang kinakailangan na 30% cooldown reduction sa early sa pamamagitan ng pagbili ng mga angkop na equipment.

Bilang paunang item, bilhin ang tier two item na Azure Blade, na nagbibigay ng 5% cooldown reduction. Nagkakaloob din ito ng +5 mana regen, at true damage kapag nag-cast ka ng skill.

Eksklusibo: Hadji ibinahagi kung sino nga ba ang best mage hero sa MLBB

Sunod na kunin ang Magic Boots, nagbibigay ng adisyunal na 10% CD reduction, kasama pa ang +40 movement speed.

Pagkatapos, i-updgrade ang iyong Azure Blade sa Starlium Scythe, na may ekstrang 10% cooldown reduction.

Credit: ONE Esports
Swak ang bagong item na Starlium Scythe sa MLBB mages na ito

Sa puntong mayroon ka nang Magic Boots at Starlium Scythe, dagdag pa ang Mage Emblem at Inspire talent, tataglayin mo na ang 30% CD reduction na magbibigay sayo ng kakayahan para magawa ang Harith unli dash sa early game.

Para naman sa kumpletong item build, maaari kang bumili ng Feather of Heaven, Holy Crystal, Divine Glaive, at Blood Wings.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa MLBB, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Magdomina sa jungle Barats gamit ang emblem set at 3 core items na ‘to sa Mobile Legends