Ngayong lahat ng mga mata ay nakatuon sa ONIC ESPORTS matapos mananaig sa ONE Esports MPL Invitational (MPLI 2021), sentro ng usapan ngayon ang gilas na ipinakita ni Calvin “CW” Winata sa international na torneyo.

Hindi maikakaila na si ONIC CW ang secret weapon ng ONIC ID sa mga bakbakang kinabilangan nila, kung saan nagsalang siya ng mga unpredictable hero picks na naging palaisipan para sa kanilang mga nakatunggali.

Credit: ONE Esports ID

Hindi naman bago ang gold laner sa playoff stage. Matapos iselyo ang MPL ID Season 8 kampyonato kamakailan lamang, si ONIC CW ang itinanghal na MVP dahil sa kaniyang mga kamangha-manghang plays.


Si ONIC CW ang may pinakamalaking hero pool sa MPLI 2021

Credit: Moonton

Bagamat hindi sumalang sa game 1 ng kupunan kontra RSG Philippines, ibinawi ni ONIC CW ang kaniyang kupunan sa mga sumunod na laro para kumpletuhin ang reverse sweep kontra sa Pinoy team.

Sa grand finals naman, nanatili ang gold laner sa starting five para tulungang buwagin ang dominanteng Blacklist International, 3-1.

Sa kongklusyon ng torneyo, nakiatng si ONIC CW ang may pinakamalaking hero pool kung saan walong hero ang kaniyang nilaro sa walong games na kasama siya ng ONIC Esports.

Heto ang listahan ng mga heroes na ginamit ni CW:

  • Aldous
  • Bruno
  • Chou
  • Clint
  • Harith
  • Popol and Kupa
  • Ruby
  • Wanwan

Sa walong heroes na isinalang niya, natalo lamang ang gold laner noong ginamit niya ang Bruno at ang Harith. 

Ngayong kampyon na ng MPL ID Season 8 at MPLI 2021, inaantabayanan ngayon kung may ilalabas pa kayang pocket picks si CW sa paparating na M3 World Championship na magbubukas ngayong Disyembre.

Ito ay hango sa istoryang lumabas sa ONE Esports Indonesia.

Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa Mobile Legends: Bang Bang sa pamamagitan ng pagsunod sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.