Patuloy na pinapatuyan ng ONIC PH kung bakit hindi sila dapat ismolin sa MPL Philippines Season 10. Ito ay matapos nilang puguin ang paboritong Blacklist International, 2-0, para buksan ang kanilang Week 3 na nasa rurok ng regular season standings.

Susi ang pamatay na kombinasyon ng Faramis ni Frince Miguel “Super Frince” Ramirez at Atlas ni Ralph “Rapidoot” Adrales na gumiba sa formation ng Blacklist sa parehong laro para iselyo ang kanilang ika-apat na series win ngayong season.


ONIC PH binahiran ng pagkatalo ang perpektong record ng BLCK

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Hindi nag-alinlangan si Coach Mark Kevin “Bluffzy” Delos Reyes na ilabas ang Faramis at Atlas sa parehong laro sa serye para patirin ang desimuladong galaw ng BLCK.

Kitang-kita ang epekto ng nasabing combo sa early game kung saan muli’t-muling ginambala ni Super Frince at Rapidoot si Salic “Hadji” Imam na hawak ang Valentina. Bukod sa midlane poke, kakaibang-lebel ng control at zoning ang ibinigay ng support duo para sa ONIC PH na tumulong sa kanila na maselyo ang key objectives at pick offs.

Bagamat susi ang dalawa sa rotation ng koponan, high-level IQ play ni Kenneth “Nets” Barro ang sumalba sa koponan sa inantabayanang serye.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Ito ay karugtong ng disgrasyang inabot ng bagitong team sa ika-17 minuto ng unang mapa ng magapi sila sa isang teamfight sa Lord Pit. Gayunpaman, hindi pinayagan ni Nets na makumpleto ng BLCK ang comeback ng mag-isa niyang basagin ang top inhibitor turret kasunod ng base para nakawin ang Game 1 at ang momentum ng serye.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Sinakyan ito ng ONIC PH sa ikalawang laro para tuluyang biguin ang M3 World Champions para tuluyang mabahiran ang perpektong record ng kalabang team.


Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuli sa MPL PH.

BASAHIN: MPL PH ‘Kingslayer’ na si Iy4knu susubukang kumamada para sa isang Mongolian Mobile Legends team