Susubukan ng dating RSG Philippines star na si Joshwell Christian “Iy4knu” Manaog ang kaniyang kapalaran sa labas ng MPL Philippines sa kaniyang pagsanib sa Positive Gaming, isang Mongolian Mobile Legends team. 

Ito ay ayon sa anunsyo ng koponan noong Agosto 10 sa kanilang Facebook page kung saan isinapinal nila ang pagdako ng Pinoy pro sa kanilang hanay.

Karugtong din ito ng anunsyo ng RSG Philippines na hindi na parte ng kanilang active roster ang 18-anyos na pro noong isang buwan. Matatandaang inilagay din siya ng organisasyon sa transfer list kasama ang kapwa beterano na si Earvin John “Heath” Esperanza.

Credit: ONE Esports

Susundan ni Iy4knu ang yapak ng iba pang MPL PH pro players at coaches na nagibangbayan matapos ang Season 9 ng liga. 

Kamakailan din ay nag-debut na ang kapwa ex-ONIC players na sina Kairi “Kairi” Rayosdelsol, Gerald “Dlar” Trinchera, Allen “Baloyskie” Baloy at Marky “Markyyyyy” Capacio sa MPL Indonesia.Samantala, unang MPL PH player si Iy4knu na dadako sa isang koponan sa Mongolia.

Samantala, unang MPL PH player si Iy4knu na dadako sa isang koponan sa Mongolia.


Karera ni Iy4knu sa MPL PH

Credit: Iy4knu

Unang naglaro si Iy4knu sa liga noong Season 4 para sa Dream High Gaming, na kalaunan ay naging ONIC Philippines.

Katuwang ng pro ang ilan sa mga bigating pangalan sa liga ngayon tulad na lamang nina Johnmar “OhMyV33NUS” Villaluna, Danerie “Wise” Del Rosario, si Dlar, Baloyskie, pati na rin ang pro-turned-coach na si John “Zico” Dizon na ngayon ay umaalagwa sa MPL Cambodia.

Matapos ang Season 4, isa si Iy4knu sa mga manlalarong kumatawan sa Pilipinas sa ginanap na M1 World Championship sa bandera ng ONIC PH kung saan pumwesto sila sa 9th-12th place. Pagkaraan ng tatlong seasons sa org ay pinakawalan ang pro na agad namang kinuha ng bagong-saltang RSG PH noong Season 8.

Tinulungan ng beterano ang koponan na maselyo ang 5th-6th place bagamat debut season ito ng team, at bago magbukas ang Season 9 ay inanunsyo niya na magpapahinga muna siya sa competitive play. Kalaunan ay nagkampeon ang RSG PH sa naturang season katuwang pa ang MSC 2022 titulo.

Dadalhin ni Iy4knu ang karanasang ito sa Positive Gaming na kasalukuyang may bootcamp sa Pilipinas. At bagamat walang MPL liga sa rehiyon ay nangangako ang team na “big things will happen” sa hinaharap.

I-check out ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita tungkol sa MPL.

BASAHIN: Baloyskie at Janaaqt tinulungan ang Geek Fam ID na putulin ang kanilang 17-game losing streak