Hindi isang aksidente na sikat si jungle Baxia sa Mobile Legends: Bang Bang.
Dahil sa kaniyang kakaibang mobility ng Mystic Tortoise kasabay ang kaniyang tibay, isa siyang matinding hero choice para sa pag-kontrol ng objectives at bilis ng laro.
Nababawasan ng kaniyang Baxia Mark passive ang enemy damage, habang kaya niyang maging isang gulong gamit ang kaniyang Baxia Shield Unity kung saan maari siyang umikot sa mapa.
Dahil dito isa siyang matinding kalaban sa lanes at team fights, dahil sa kaniyang abilidad mag-absorb ng damage habang nagdudulot ang kaniyang mga kakampi nito.
Para makuha ang full power ng abilities ni jungle Baxia, importanteng maintindihan mo ang mga best items na gagamitin mo.
3 best items para kay jungle Baxia sa MLBB
Cursed Helmet

Tulad ng karamihang tank junglers ng laro, malaki ang benepisyo ng Cursed Helmet sa kaniya. Nagbibigay ito ng additional na HP at Magic Resistance, para mapalakas ang iyong tsansya mabuhay laban ang mga magic damage dealers.
Ngunit ang kakaiba sa Cursed Helmet ay ang kaniyang passive ability, ang Burning Soul. Ang malakas na ability na ito ay nagdudulot ng percentage ng iyong max HP bilang magic damage per second sa mga malapit na kalaban.
Dahil makikita mo ang sarili mo na umiikot sa jungle o sa frontline ng team fights, masisigurado ng iyong Burning Soul ang isang mabilis na camp clear at konsistent na damage contribution.
Gawing unang prioridad ang item na ito sa iyong build route. Siguraduhing makakuha ka ng Molten Essence na kailangan mong makuha bago makuha ang Cursed Helmet, para mapalakas ang iyong jungle clear dahil mayroon din itong Burning Soul passive.
Guardian’s Helmet

Kahit na matibay siya, maaring mapatumba si jungle Baxia ng mga heroes na may kakayahang magdulot ng True Damage tulad nina Karrie o Alpha. Dahil dito, ang pag-boost ng iyong HP sa iyong makakaya ay makakatulong para mabuhay ka laban sa mga heroes na ito.
Pagdating sa health boost at defensive stats, onting items lang ang may batbat sa mabibigay ng Guardian’s Helmet. Hindi lamang ito nagbibigay ng major HP boost sa iyong jungle Baxia, nagbibigay pa ito ng konsistent na health regeneration.
Ito ay salamat sa kakaibang passive ability ng item na Recovery.
Matapos makipaglaban, umurong sa ligtas na jungle at hayaang ma-restore ng Guardian’s Helmet ang iyong health.
Pagdating ng mid-game at team fights, magiging mas mahalaga ang item na ito. Hinahayaan nitong mabalik mo ang iyong health sa mga bakbakan, para makapag-engage, recover, at contest ka ng objectives tulad ng Turtle o Lord.
Dagdag pa riyan, ang pagpares ng Guardian’s Helmet at Cursed Helmet at nagpapalakas ng iyong kamandag. Dahil sa iyong mas mataas na total HP, maari kang magdulot ng mas matinding magic damage per second gamit ang Burning Soul ability.
Radiant Armor o Athena’s Shield

Hindi makukumpleto ang iyong jungle Baxia item build nang walang Athena’s Shield o Radiant Armor.
Ang mga mahahalagang items na ito ay mas makakatulong sa pagiging epektib sa frontlines sa pamamagitan ng pagbigay ng Magic Defense stats.
Maingat na tignan ang komposisyon ng enemy team at ang uri ng magic damage na dinudulot nila para makapili nang tama sa dalawang ito.
Kung ikaw ay nakaharap ng mga heroes na nagdudulot ng matinding Magic Defense, piliin ang Athena’s Shield. Kung ang kalaban mo ay mga heroes na nagdudulot ng damage over time, mas mainam na gamitin mo ang Radiant Armor.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang gabay tungkol sa MLBB.
BASAHIN: Patumbahin si Granger sa MLBB gamit ang 3 best hero counters