May mga usap-usapan na ang EVOS Legends roamer at captain na si REKT ay hindi maglalaro sa MPL ID S10. Ang mga sabi-sabing ito ay lalong pinagtibay nang magsalita ang mga taong malapit sa kanya.

Sa kabuuan ng MPL ID S9, nagsimulang kumalat ang bulung-bulungan na magreretirto na ang EVOS Legends captain. Ito rin ang naging dahilan kung bakit pinaghahanda ng EVOS Legends si DreamS na maging handa upang maging senior replacement.

Ngayon, sa off-season ng MPL ID S10, inihayag ni REKT na hindi siya maglalaro para sa EVOS Legends kung magkakaroon Filipino player sa team. Sa kabilang banda naman, balita rin na kinuha ng White Tigers ang dating ONIC PH player na si Dlarskie upang saumali sa kanilang team.

ONIC PH Dlarskie
Credit: Mobile Legends Esports

Bukod pa dito, sinabi rin ng Vice President ng EVOS Esports na si DeanKT sa kanyang live stream na hindi lumahok ang dating EVOS Legends roamer sa trial upang maging m,iyembro ng EVOS Legends para sa MPL ID S10. Nangangahulugan ito na walang plano ang player na sumali sa susunod na season.

Matapos ito, nagsabi rin ang dating EVOS Legends roamer, na ngayon ay isa na sa mga pinakamaimpluwensyang tao sa Axe Gang (GPX), na si Donkey sa kanyang live stream na huwag nang asahan na makikita pa ang datin EVOS Legends captain sa Season 10 ng MPL ID.

“As far as I know, the EVOS Legends roster is Bajan, Dlar, Pendragon, Tazz, Ferxiic, and Cr1te. Without Luminaire and Wann. Neither did Gustian. Moreover, Gustian, you guys expect him to play? That’s why EVOS Old wants to make a new Youtube. It’s just a memory guys,” sabi ni Donkey.



Mas pinagtibay ni Oura ang usap-usapang wala si REKT sa MPL ID S10

EVOS Legends
Source: ONE Esports

Matapos ang mga usapin tungkol sa hindi pagsali ni REKT sa MPL ID S10, nagbigay rin ng pahayag ang kanyang dating EVOS Legends teammate, na nagdala sa kanila upang maging kampeon noong Season 4 at ng M1 World Championship, na si Oura upang pagtibayin ang balita.

Sa video na React Tiktok 46 sa kanyang YouTube channel, sumagot si Oura sa pahayag ni DeanKT tungkol sa hindi pagsali ng dating EVOS Legends player sa trial ng EVOS Legends sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa ng kanyang narinig tungkol sa tyansa na maglalaro ang kanyang dating teammate sa Season 10 ng MPL ID.

“Actually, about REKT whether to play or not, I already know. From the grids that people spill indirectly, many say REKT doesn’t play and few say he plays. Actually, a lot of it (more) supports the truth,” natatawang sinabi ni Oura.

Maliban dito ay sinabi rin ni Oura na maraming hindi inaasahan na pagbabagong magaganap sa EVOS Legends roster para sa MPL ID S10. Sinabi ng dating player at M1 MVP na sigurado siyang magugulat ang lahat, maging ang mga miyembro ng EVOS Fam, sa surpresa ng White Tiger roster.

“The point is that if you look at the EVOS (Legends) roster this time, you will be shocked as much as possible. Trust me guys, you guys will be shocked. You guys just wait, guys,” dagdag pa ni Oura.



Ito rin ang ipinahayag ng EVOS Legends coach na si Zeys nang makapanayam ng ONE Esports. Sinabi niyang lalabas sa susunod na season ang roster na hindi inaasahan ng maraming tao.

“Everything is still a secret, but I make sure that the EVOS Legends MPL ID S10 roster is really unexpected by many people,” sabi ni Zeys.

“I don’t think anyone would think that these are the players for season 10,” sabi niya.

Marami ang naghihintay na malaman kung maglalaro ba si REKT sa MPL ID S10 o hindi at kung ano ang magiging itsura ng EVOS Legends roster sa susunod na season. Sinabi ni Zeys na iaanunsyo ito sa katapusan ng July 2022.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.