Ang emotes ay nagsisilbi bilang isang masiglang paraan ng self-expression sa Mobile Legends: Bang Bang, na nagbibigay daan sa mga manlalaro na ipahayag ang kanilang damdamin at makipag-ugnayan sa kanilang mga kasamahan sa isang nakakaaliw na paraan.

Sa guide na ito mula sa ONE Esports, matutuhan mo kung paano gamitin ang mga emote sa Mobile Legends, at paano mo ito makukuha.

Ang mga animated icon na ito na may kakaibang sound effects ay nagdadagdag ng personalidad at estilo sa larangan ng pakikipaglaban.

Maging ito man ay pagbati sa isang kasamahan sa isang mahusay na play, masiglang pang-aasar sa isang kaaway, o simpleng pagsigaw ng suporta sa iyong mga kaalyado, ang mga emote ay nag-aambag ng kasiyahan at masiglang atmospera sa laro.



Paano gamitin ang emotes sa Mobile Legends?

Setting up emotes in Mobile Legends: Bang Bang
Screenshot by Jeremiah Sevilla/ONE Esports

Maari kang mag-set ng apat na emotes bago pumasok sa isang laro. Para gawin ito:

  1. Pumunta sa Preparation tab sa ibaba ng pangunahing screen.
  2. Pumunta sa Effects section at hanapin ang Emote sa drop-down menu.
  3. Sa kanang bahagi ng iyong screen, makikita mo ang lahat nang mga available na emotes, kasama na ang mga maaaring i-activate gamit ang trial card.
  4. Pumili ng emote na nais mong gamitin. Sa ibaba ng iyong screen, tapikin ang kahon na may plus sign kung saan mo ito nais ilagay. Ang arrangement ng mga emote mula kaliwa papuntang kanan ay ipapakita mula itaas pababa sa panel habang naglalaro.
  5. Tapikin ang Save Settings option. Maaari mong piliin gamitin ang iyong set ng emote para sa partikular na hero o lahat ng iyong available na mga hero.

Para i-activate ang iyong mga emote habang naglalaro:

  1. Tapikin ang Chat button. Sa kaliwang bahagi ng panel, pumunta sa section na may Smiley icon, at tapikin ang emote na nais mong gamitin.
  2. Sa alternatibong paraan, maaari mo ring i-hold down ang Chat icon para madali mong ma-access ang iyong mga emote. I-hover sa isa na nais mong ipakita, saka mo i-release.
  3. Maari mo rin i-trigger ang iyong unang emote nang automatiko kapag natutugma ang isang tiyak na kondisyon gamit ang Auto-Play Settings.

Paano makakuha ng emotes sa Mobile Legends

Setting up emotes in Mobile Legends: Bang Bang
Screenshot by Jeremiah Sevilla/ONE Esports

May iba’t ibang paraan para makuha ang mga emote, na naaayon sa mga spenders at sa free-to-play players.

Para sa mga handang maglaan ng pera, nag-aalok ang Shop ng iba’t ibang emote bundles at team support emotes, maaaring bilhin gamit ang mga diamonds.

Ang mga StarLight Pass holders ay may access at maaaring bumili ng mga exclusive na emote sa StarLight Shop.

Ang mga libreng emote ay maaaring makuha sa pamamagitan ng pahkumpleto ng mga event tasks. Bukod dito, ang pag-achieve ng Mythic rank, pagkakaroon ng credit score na higit sa 105, at pananalo sa MCL ay nagbibigay ng espesyal na mga emote.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

READ MORE: Paano gawin ang name change sa Mobile Legends: Bang Bang