Pinagmamayabang ni Hanzo ang kaniyang abilidad pumatay sa malayo sa Mobile Legends: Bang Bang

Nagagawa niya ito dahil sa kaniyang ultimate skill na Kinjutsu: Pinnacle Ninja, na hinahayaan siyang tumawag ng isang demonyo na may burst damage, at may kakayahan gumalaw sa mga terrains.  

Dagdag pa riyan, mananatili ang kaniyang katawan sa lokasyon kung saan niya inactivate ang kaniyang ultimate, kaya naman ligtas siya sa lethal damage sa mga team fights.  

Kaya niya ring mapatay nang instant ang mga jungle creeps gamit ang Ninjutsu: Demon Feast, at mapabagal ang mga paparating na kalaban gamit ang Ninjutsu: Soul Reap. Binibigyan din siya ng mga skill na ‘to ng Demon Blood, na maari niyang gamitin para ma-maximize ang tagal ng kaniyang ultimate. 

Ngunit ang kaniyang kahinaan ay matatagpuan sa kaniyang signature skill, dahil hindi niya magagalaw ang kaniyang katawan. Kaya naman mahina siya sa mga mobile heroes, lalo na sa mga nasa ONE Esports guide na ‘to.


Piliin ang mga heroes na ‘to laban kay Hanzo sa Mobile Legends: Bang Bang 

Ling

Mobile Legends: Bang Bang Seren Plume Ling skin
Credit: Moonton Games

Si Ling ang isa sa pinaka-mobile na heroes sa Land of Dawn, dahil sa kaniyang passive na Cloud Walker, at unang skill na Finch Poise, na parehas ay hinahayaan siyang tumalon sa mga pader. 

Kapag gagamitin ni Hanzo ang kaniyang ultimate, i-track ang kaniyang lokasyon at gumamit ng Finch Poise para makarating sa pader na pinakamalapit sa kaniyang posisyon. 

Kung sakaling nakatago siya sa bush, mag-cast ng Defiant Sword para mapunta sa kaniyang lugar habang nagdudulot ng damage. 

Kung subukan man niyang tumakas, i-activate ang Tempest of Blades para matulak siya sa ere. Pagkatapos ay gamitin ang mga blades para maglabas ng mga sunod-sunod na tira gamit ang Defiant Sword, para mapatay siya nang tuluyan.

IBA PANG MLBB GUIDES
3 mabisang pangontra kay Gatotkaca sa Mobile Legends
I-master ang 3 Roger combos na ito para dominahin ang kalaban
Top 5 Emblems at Talents na OP sa bagong emblem system
Swak ang bagong item na Starlium Scythe sa mages na ito
3 best heroes na pwedeng gamitan ng Basic Common Emblem

Aldous

Mobile Legends: Bang Bang Blazing Force Aldous skin wallpaper
Credit: Moonton Games

Ang ultimate ni Aldous na Contract: Chase Fate, ay hinahayaan siyang humabol ng kahit sinong enemy hero sa kahit anong lokasyon sa mapa. 

Kapag gagamit ng Kinjutsu: Pinnacle Ninja si Hanzo, mag-cast ng Chase Fate para makit ang lokasyon ng kaniyang katawan, at lapitan ito nang mabilisan. 

Habang sumusugod papunta sa kaniya, i-activate ang Contract: Soul Steal para matira mo siya gamit ang enhanced basic attack, at i-follow up ito ng isa pang Soul Steal. 

Kung subukan mang tumakas ni Hanzo, habulin siya gamit ang movement speed boost at stun effect ng Contract: Explosion. 

Sa early game, siguraduhing umiwas sa team fights, at i-prioritize ang pagkuha ng Soul Steal stacks para mapataas ang damage mo. 

Natalia

Natalia MLBB
Credit: Moonton Games

Pagdating sa pagiging mailap, nasa ibang lebel si Natalia. Gamit ang kaniyang passive na Assassin Instinct, kaya niyang pumasok sa isang camouflage state, para maka-roam ng mapa nang hindi napapansin. 

Pag gamit si Natalia, gumalaw mula sa bush para hanapin si Hanzo, kung siya ba ay nag-fafarm ng jungle creeps o gumagamit ng kaniyang ultimate. Kapag nahanap mo na siya, ilabas ang iyong full combo para mapatumba siya. 

Simulan ito gamit ang isang enhanced basic attack mula sa Assassin Instinct, at i-trigger ang The Hung para makapasok sa Assassin Instinct state, at tapusin ito sa isa pang attack. Tumakas gamit ang Claw Dash at Smoke Bomb. 

Para mapalakas ang iyong burst potential, bumili ng mga items na makaka-boost ng iyong physical attack, tulad ng Blade of Heptaseas, Berserker’s Fury, at Blade of Despair. Kung isa kang roamer, i-equip ang Dire Hit roaming blessing para makadulot ng extra damage kung low na ang health ni Hanzo. 

Pag-isipan ring gumamit ng Execute para makadulot ng fatal damage kung sakaling mabuhay pa siya sa iyong combo. 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga iba pang gabay patungkol sa Mobile Legends. 

BASAHIN: Padapain si Alpha gamit ang 3 best hero counters na ‘to sa MLBB