Isa si Viorenita “Vior” Sutanto sa pinakamatunog na pangalan sa Mobile Legends eksena sa Indonesia na may humigit-kumulang isang milyong followers sa Instagram at 300,000 sa Youtube. Lalong umingay ang kaniyang pangalan matapos siyang i-recruit ng ONIC Esports para sa MPL ID Season 9.
Kaakibat ng kaniyang popularidad ang hamon na kaniyang hinaharap katulad na lamang ng panlalait at pang-aalipusta na karaniwan niyang nasasagupa sa kaniyang social media accounts. Inamin ni Vior na naging malaking problema ito noong una, ngunit natagpuan na daw ng 22-anyos ang paraan para harapin ang mga ito.
Eksklusibong nakapanayam ng ONE Esports ang content creator turned pro kung saan nagsalita siya tungkol sa kaniyang karera sa paglalaro ng MLBB, ang pagputok ng kaniyang pangalan, at ang kaniyang relasyon kasama si Gustian “Rekt” ng EVOS Legends.
Paano hinaharap ni ONIC Vior ang toxicity online

Pinipili na lamang ni Vior na magbiro at gawing biro ang paninirang natatanggap online sa kaniyang livestream, banggit niya sa ONE Esports. Pero mas madalas daw na nananahimik na lamang siya para maiwasan na ma-report.
“When I say a little wrong word, my social media [accounts] are gone,” aniya. “I lost my Instagram twice.”
Dahil dito, pinagtutuunan na lamang daw niya ng pansin ang interaksyon niya kasama ang mga fans a halip na bigyan ng atensyon ang mga haters. “I’m not sad when dealing with hate comments, I’m just chill with it,” paliwanag ng ONIC Esports pro.
Bagamat hindi naisalang sa pro play noong MPL ID Season 9, maganda ang naidulot ng kaniyang down-to-earth vibes at attitude para sa team, ani ng dating head coach na si Ahmad “Mars” Marsam.
“In every small thing, like being here with us, is already a positive thing for us,” banggit ng ONIC Esports opisyal. “Vior is a positive [presence] to everyone.”
Panoorin ang kabuuan ng video dito:
I-check out ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang content tungkol sa MLBB!
BASAHIN: ‘Di na raw lalaro si REKT sa EVOS Legends kung may Filipino players