Puwera biro. Nakahanap ng paraan si Michael “MobaZane” Cosgun para paganahin ang Jungle Rafaela sa ranked match at marami ang naaliw sa kung paano niya hinawakan ito sa laro.

Bagamat pasok sa meta ang tank junglers ngayon ay hindi ito ang inasahan ng mga miron na tumutok sa kaniyang livestream kamakailan. Ginulantang ng BTK jungler ang kaniyang viewers matapos i-lock in ang Rafaela sa jungle at tulungan ang kaniyang team manalo sa nasabing ranked game.

MobaZane nakahanap ng paraan para paganahin ang Jungle Rafaela

Credit: Mobile Legends Esports

Isa ang Rafaela sa mga pinaka-epektibong support heroes sa meta lalo pa’t matindi ang labanan ngayon sa mobility at sustain. May team fight capabilities din ito dahil sa kaniyng ultimate na Holy Baptism. Gayunpaman, kapos sa damage ang hero at maaaring mapuruhan lalo na kung may burst damage ang kalaban.

Kahit pa ganito, pinatunayan ni MobaZane na maaaring gumana ang hero sa RG. Sa isang livestream highlight video na inilabas niya sa kaniyang YouTube page, ginamit ng BTK star ang Jungle Rafaela bilang tugon sa kahilingan ng kaniyang fans.

Agad niyang pinatunayan kung bakit isa siya sa pinakamagaling na junglers sa mundo. Sa harap ng Jungle Balmond, naglista siya ng malinis na 3/0/4 KDA sa unang 10 minuto ng laro, at nakaselyo ng 2 sa tatlong Turtle Buffs.

Walang makapatay sa kaniya lalo na noong nabuo niya ang kaniyang dalawang core items na Enchanted Talisman at Thunder Belt na nagpagulong sa 26-14 kill score at panalo para sa kaniyang team. Hinirang na MVP ng laro ang 20-anyos gawa ng kaniyang swabeng 4/1/20 KDA.

Paano gamitin ang Jungle Rafaela sa ranked base sa laro ni MobaZane

Credit: Moonton

Paalala. Bago i-pick ang Jungle Rafaela, mainam na masabi muna sa mga kakampi na ito ang role na gagampanan ng support hero para maiwasan ang pagkadisgrasya ng drafting.

Dahil sa kakulangan ng kaniyang damage, importante na may damage capability at pang-catch ang roamer ng team. Ang heroes tulad ng Jawhead, Ruby at Franco ay puwedeng makatambal ng Rafaela kung jungler ang role nito.

Credit: Moonton

Sa unang limang minuto din ng laro mararanasan ang pinakamahirap na parte ng buhay ng hero sa jungle. Hirap ang support hero sa wave clear sa early game kaya malaking tulong ang damage ng susuportahang tank/roamer.

Pero pagkaraan ng kaniyang Enchanted Talisman at isa pang magic damage item, mapapansin na malaki na ang maiaambag ng hero sa team fights at rotation dahil sa kaniyang mobility.

Bagamat kulang sa killing potential partikular na sa unang bahagi ng laro ay malaki ang epekto ng Rafaela bilang utility lalo kung susunod ang lahat sa game plan at sa hero timings. Kapag naabot na ang nasabing timing, malaki ang potensiyal na mag-snowball ang team.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: Rise of the Necrokeep MLBB update: Release date, hero adjustments, events at rewards