Patuloy na umiiral ang usapin tungkol kay Gustian “REKT” Hidayat at ang kaniyang pagreretiro mula sa pro play. Palagay ng iba ay oras na din magpahinga ng seasoned player mula sa competitive scene, lalo pa’t isa siya sa mga pro na may pinakamahabang karera sa MPL Indonesia.

Simula MPL ID Season 1 hanggang Season 9, ipinakita ni REKT ang kaniyang tunay na husay sa Land of Dawn. Katuwang ng dalawang MPL kampeonato ay nagawa din niya na matulungan ang kaniyang EVOS Legends na mapagtagumpayan ang inaugural M World Series.

Ngayong naputol na ang kaniyang MPL run matapos ang siyam na seasons, nakapokus muna ang beterano sa paggawa ng YouTube content katuwang ang kaniyang partner na si Vior. 

Kasabay ng bulong-bulungan ng tuluyan niyang pagreretiro ay ang bali-balitang babandera siya katuwang ng M1 World Championship trio (Luminaire, Wann) sa ilalim ng GPX ni Donkey at Oura.

Credit: Donkey Yurino

Ano nga ba ang estado niya ngayon?


REKT pinapahirapan ng sakit sa mga kamay

May tugon si REKT sa mga miron na umaasang babalik pa siya sa pro play. Sa isang Instragram live stream, inamin ng pro na malaking balakid sa kaniyang pagbabalik ang iniindang sakit sa kamay.

Credit: REKT

“Do you want to continue MPL or not? It’s said that my competitive spirit is still there, only my hands bro. I’m not strong,” ani ng M1 World Champion.

Ngayong ang isyu ay hindi ang gigil na makabalik kundi pisikal niyang kalusugan, malaki ang tiyansang dito na nga puputulin ni REKT ang kaniyang makulay na karera.

Kuwento pa niya, “I can only practice 2-3 hours. While the pro players practice 10 hours. My left hand really hurts when I practice for too long.”

Pagsasalin ito sa sulat ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports ID.

BASAHIN: Kyy ibinahagi kung gaano kalaki ang impluwensya ni Markyyyyy sa Bigetrron Alpha