Isa ang Vale sa mage heroes na opsyon ng mga midlaners sa Mobile Legends: Bang Bang, mapa-ranked game man o competitive play. Madali lang kasi matutunan ang skill combo ng hero, at talaga namang napakasarap gamitin lalo na kung mahuhuli ang kalabang heroes ng kaniyang ultimate ng Windstorm.

Hindi maitatanggi na napaka-epektibo ng Vale bilang initiator sa team fights dahil sa kaniyang kit. Gayundin ang sinasabe ng mga numero dahil kung susuriin ang pinakahuling MLBB stats, pasok siya sa top 10 sa pinakapopular na heroes sa lahat ng ranks.

Kahit pa mahirap makalaban ang Vale sa Land of Dawn lalo na kung marunong ang humawak nito, may isang kahinaan ang hero  — mababa ang kaniyanb mobility. Heto ang ilang counter heroes sa Windtalker sa Mobile Legends.


3 Mage counter heroes sa Vale

Kadita

Credit: Moonton

Maasahan ang Kadita kung kaharap ang Vale sa midlane dahil sobrang lakas mag-punish ng Ocean Godess sa mga kalabang mababa ang mobility. Kahit pa walang core iems, ang isang combo ng Breath of the Ocean, Ocean Oddity at Rough Waves ay sapat na para ma-burst down ang mahuhuling hero.

Kung mahuhuli ng Vale ang Kadita ng Windblow, kayang makatakas ng Kadita sa skill range gamit ang Ocean Oddity kasabay pa ng HP heal dala ng passive niyang Thalassophobia. Dahil dito, hindi na kakailanganin ng Kadita na bumuo ng Winter Truncheon na tipikal na binubuo para maiwasang ma-burst.

Kaya din lamang ang Kadita kung item build ang usapan dahil mas makakapagpokus ang player na bumuo ng offensive items para sa damage. Ang magic items na Blood Wings at Glowing Wand ang magpapadelikado sa Kadita. At kahit pa mahirap ma-master ang mage hero ay isa ito sa pinakamalalakas na counter heroes sa Vale.


Selena

Credit: Moonton

Isa sa pinakamalalakas na mage heroes sa midlane ang Selena lalo na kung gamay na ang skill combos ng hero. Masakit kasi ang damage niya kahit pa malayo siya sa mapa, at mas lalong delikado ito sa mababagal na heroes sa laning phase.

Mahihirapan ang Windtalker na makapag-setup ng plays kontra sa Selena dahil isang Abyssal Arrow lamang ay purnada na ang skill combo ng Vale. Kahit pa gawin ng player ang tipikal na ambush plays ay madali siyang maiispotan ng Selena dahil sa nakatanim na Abyssal Traps.

Isa pang hamon kapag katapat ang Vale ay kung may agresibong roamer siyang katambal sa mapa tulad na lamang ng Franco o Atlas. Dahil malambot ang Selena, kinakailangang bumuo ng Clock of Destiniy at Winter Truncheon para sa karagdagang survivability.


Kagura

Credit: Moonton

Masarap gamitin ang Kagura dahil mataas ang mobility ng hero katuwang pa ng sandamakmak na magic damage output nito. Ito rin ang rason kung bakit peste ang hero sa midlaners. Mas lalong nakabwibwisit ang hero kapag katapat ang crowd control dependent heroes tulad na lamang ni vale.

Kaya niyang i-cancel ang Windblow at kontrahin ito gamit ang Seimei Umbrella sabay Yin Yang Overturn. Ang magagawa na lamang ng Vale sa pagkakataong ito ay gamitin ang kaniyang Battle Spell para makaiwas.

Kung kaharap ang isang defensive Vale player, mainam na hintayin ito gumamit ng Windblow o Windstorm bago pasukin. Kung naghahabol, magandang bumuo ng Athena’s Shield para maiwasan ang mabilisang burst.

I-check out ang ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: Julian, Terizla, at Xavier mga biktima ng pinakahuling July 2022 MLBB patch