Patuloy ang roster changes sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) matapos pakawalan ng BREN Esports si Paulo “Pauloxpert” Munsayac.

Nagsilbi si Pauloxpert bilang assistant coach ng BREN Esports noong ika-10 season ng MPL PH. Katuwang niya ang head coach na si Coach Francis “Duckey” Glindro sa matagumpay na pagbabalik ng koponan sa playoffs ng turneo.

Sa opisyal na pahayag ng koponan, binalikan nila kung paano nagsimula si Pauloxpert bilang analyst ng BREN Esports. Ngunit dahil sa angkin nitong husay, sa pag-draft ay na-promote ito bilang coach.

“He has showcased so much growth and potential in what he does best during his time with us. But for now, we part ways. We wish you all the best in the new chapter of your career,” sulat ng BREN Esports.

Credit: BREN Esports


Kasalukuyang MPL PH roster ng BREN Esports

  • David “FlapTzy” Canon
  • Vincent “Pandora” Unigo
  • Angelo “KyleTzy” Sayson
  • Angelo Kyle “Pheww” Arcangel
  • Jomari “Jowm” Pingol
  • Marco Stephen “SUPER MARCO” Requitano
  • Rowgien “Owgwen” Unigo
  • Francis “Duckey” Glindro (Coach)

Kamakailan ay nagbatid din ng kanilang pamamaalam ang BREN Esports sa tatlong miyembro ng kanilang MPL PH Season 10 roster. Sa ngayon ay hindi pa tukoy kung sino ang madadagdag sa kanilang hanay, gayundin ang patutunguhan ni Pauloxpert.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Listahan ng roster changes sa MPL PH Season 11