Sasapit na maya-maya ang semifinals pagtatapat ng Blacklist International ng Pilipinas at RRQ Hoshi ng Indonesia sa MPL Invitational 2021. Bukod sa Pinoy Mobile Legends fans, sabik din ang PH casters na kasamang susubaybay sa bigating banggan na ito.

Kaya naman minarapat ng ONE Esports Philippines na alamin ang mga saloobin ng mga batikang mananalaysay, pangunahin na ang mga anggulong dapat antabayanan sa Blacklist at RRQ bakbakan.


Dapat bigyang-pansin ang galawan ni Alberttt at Skylar ng RRQ ayon sa PH casters

Credit: ONE Esports

Umalingawngaw ang pangalan ng RRQ Hoshi jungler na si Albert Neilsen “Alberttt” Iskandar sa usapin tungkol sa player na dapat bantayan ng Blacklist sa semifinals matchup na ito.

Mataas na papuri ang binigay ni Renmar “Renmar” Sta Cruz sa MPL ID Season 7 MVP. “He’s one of the best junglers in the world. He can be aggressive but he can also play it safe like Wise,” banggit ng analyst.

Palagay naman ni Dan “Leo” Cubangay sa labanan ng Blacklist at RRQ, “They will force the mechanics and macro of BLCK to evolve. I expect Alberttt to get in Wise’s face.” Bukod dito, kapana-panabik din daw ang dwelong magaganap sa gold lane, “and of course, that ever awaited duel in the gold lane. Skylar vs OHEB.”

Credit: MPL Philippines/ Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Nauna ng sinabi ni Kiel “OHEB” Soriano ang kagustuhan niyang makaharap si Schevenko David “Skylar” Tendean na kakaiba din ang kalibre sa gold lane.

Kaya naman hindi katakataka na si Skylar din ang gustong pabantayan ni Mark Adrian “Butters” Jison. “Skylar pigeon fly. Kung ano ano pinagagamit basta marksman kaya tapos sobrang lakas ng loob.”


Galawan sa mid lane ng Blacklist at RRQ ang magdidikta ng resulta

Credit: Blacklist International

Hindi kaila sa PH casters ang kahalagahan ng draft at rotation ng midlane at roamer sa semifinals match ng Blacklist at RRQ.

Ipinunto ni Leo kung gaano kahalaga ang magiging bakbakan sa middle lane.”Anchor down on mid, simple to say. Edward and OHEB can take care of themselves, galingan lang nila sa mid. Wag sila papatalo sa mid matchup, kanila ang mapa.”

Tingin naman ni Butters, pagbibigyan ng RRQ ang Blacklist na ilabas ang kanilang Estes pick na pinahahawakan nila kay Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna.

“For teams na bihira makalaban ang BLCK o ‘di nila nakalaban ng matagal, parang may pride palagi. Papakawalan nila sa draft kasi gusto nilang matalo yung UBE strat, kasi ‘yun din naman talaga pinaghandaan nila,” ani ng komentarista.

Credit: Hadji

Mga senaryo naman sa draft ang inilatag ni Renmar para sa Blacklist. “For Black, honestly just keep being you. But if you can get a swing surprise pick to suddenly shift V33nus/Hadji’s role and could help you, go for it.”


Mga dapat asahan sa bakbakan ng Blacklist at RRQ

Credit: ONE Esports

Tantiya ni Butters, hindi daw basta-basta ang magaganap sa tapatan ng Blacklist at RRQ sa semifinals. Inamin niya na bagamat malinaw na lamang ang Pinoy team, hindi magiging madali ang pagdispatya sa 1st placers ng MPL ID Season 8.

“I can say that in terms of stats and facts we would all expect Blacklist to have the upper hand but since sinabi din ng BLCK na ‘di sila papakampante, hindi rin dapat tayo makampante,” bahagi ng

“This is going to be an all out brawl for sure,” sambit pa ng bantog na caster.

Ayon naman kay Renmar, nangangailangan ang RRQ ng “next level discipline and objective taking” para sa pag-asang mapatumba ang MPL PH back-to-back champions.

Babala naman niya, “They [RRQ] can be quite trigger happy and this might actually help them take control early-mid at times but they CANNOT give Blacklist even just a sliver of a chance to turn the game around if they can force them to be behind early.”


Antabayanan ang bigating bakbakan ng Blacklist at RRQ sa MPLI 2021 live stream ng ONE Esports Philippines.