Malugod daw na tatanggapin ng Moonton ang napipintong pagpasok ng mga Filipino sa susunod na season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL Indonesia).

Kamakailan, inilahad ng coach ng EVOS Legends na si Bjorn “Zeys” Ong na kanilang koponan ay nagre-recruit ng Pinoy EXP at roam players. Kinumpirma rin ni Gerald “Dlarskie” Trinchera na may mga organisasyon mula Indonesia na nagbibigay ng offer sa kanya, bagamat hindi pa siya sigurado kung tatanggapin ito.

Nang humarap sa mga media sa nagdaang MLBB Southeast Asia Cup ang head ng MPL Indonesia na si Dylan Chia, ibinahagi niya ang kanyang palagay tungkol dito, at kung papaano nito mababago ang estado ng kompetisyon.

Ang pahayag ng Moonton ukol sa paglipat ng mga Pinoy players sa MPL Indonesia

Paglipat ng Pinoy players sa MPL Indonesia, ‘welcome’ sa Moonton
Credit: MPL Indonesia

Para sa Moonton, hindi na raw bago para sa MPL Indonesia ang kumuha ng mga talento sa ibang bansa.

“We have a lot of managers thinking of bringing foreign talents to Indonesia and this is not something new to us in MPL Indonesia. Throughout the history of MPL Indonesia, we have Malaysians, Sasa, playing for ONIC, we have Singaporean, like Zeys, being the coach of EVOS, [and] James of RRQ,” sagot ni Dylan Chia.

(Maraming managers ang nagbabalak na magpasok ng foreign talents sa Indonesia kaya hindi na bago sa amin ‘to sa MPL Indonesia. Sa kahabaanng MPL Indonesia, may Malaysian, si Sasa, na naglaro para sa ONIC, nariyan si Zeys, ang coach ng EVOS, na mula Singapore, at si James ng RRQ.)

Paglipat ng Pinoy players sa MPL Indonesia, ‘welcome’ sa Moonton
Credit: ONE Esports

Bilang MPL Marketing Director, masaya rin daw si Dylan Chia dahil nagsilbing daan ang MSC para maipamalas ng mga koponan mula sa iba’t-ibang bansa sa rehiyon ang kanilang husay.

“In the recent big tournaments, the Philippines has been dominating but with the MSC, we do see the level of play across different nations, we have Malaysia, Myanmar, Cambodia, Thailand, coming out. So for us, as an overall MLBB esports, the hierarchy of competition is awesome.

(Noong mga nakalipas na malalaking turneo, bakas ang pangingibabaw ng Pilipinas, pero ngayong MSC, nakita natin ang iba’t-ibang galawan mula sa iba’t-ibang bansa, gaya ng Malaysia, Myanmar, Cambodia, Thailand. Kaya para sa kabuuan ng MLBB esports, magandang bagay ito.)

Paglipat ng Pinoy players sa MPL Indonesia, ‘welcome’ sa Moonton
Credit: ONE Esports

Bukod sa malugod na pagtanggap sa mga Pinoy players, inamin din ni Dylan Chia na bilang person-in-charge ng MPL sa nasabing bansa, inaasahan niyang lalong lalakas ang Indonesia sa pagpasok ng mga Pinoy MLBB players.

“So for us, having Filipinos coming into Indonesia, having that exchange of ideas… also the way of winning is something that we welcome… I hope that this will help our Indonesian region to become even stronger,” dagdag ng kinatawan ng Moonton.

(Kaya para sa amin, ang pagpasok ng mga Filipino sa Indonesia, ang makapagpalitan ng ideya at paraan kung paano manalo ay isang bagay na tinatanggap namin. Sana matulungan nito na mapalakas lalo ang Indonesia.)


Para sa mga karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Listahan ng roster changes sa MPL PH Season 10