Pambihirang pasensya at henyong positioning mula kay David “FlapTzy” Canon sa deciding game three ang mag-isang pumihit ng tadhana pabor sa SIBOL MLBB para maka-angat sa gold medal match ng 32nd Southeast Asian Games (32nd SEAG) MLBB Event.

Ito ay pagkatapos pumukol ang EXP laner hawak ang Yu Zhong ng perpektong Furious Dive + Petrify sa tatlong miyembro ng Myanmar sa makabag-damdaming Lord fight sa ika-13 minuto ng laro, paraan para makitil ng SIBOL ang apat na miyembro ng Burmese team.

Screenshot ni Calvin Trilles / ONE Esports

Ito ang naghudyat sa mga Pinoy na mag-martsa sa mid lane para gibain ang base ng mga kalaban at masigurado ang silver medal para sa bansa.


FlapTzy, SIBOL MLBB ni-reverse sweep ang Myanmar para makatungtong sa Finals ng 32nd SEAG

Credit: Moonton

Naghalinhinan an semifinalists sa unang dalawang mapa ng serye. Dikdikan ang naganap sa unang mapa ngunit nanaig ang mga Burmese sa opener sa likod ng madulas na Natalia ni Min “Naomi” Ko na muli’t-muling pinitas ng backlines ng mga Pinoy para itala ang 10/1/5 KDA pagkatapos ng laro.

Agad naman rumesponde ang SIBOL MLBB sa game two sa likod ng makating Karrie ni Marco “SUPER MARCO” Requitano para gawing best-of-one muli ang serye. Nagtala ang BREN Esports gold laner ng 9/2/4 KDA para isarado ang game two na tumagal ng halos 26-minutos.

Credit: Moonton / ONE Esports

Sinubukang sandalan ng SIBOL ang momentum na ito sa decider ngunit nabagabag ang Pinoy dahil sa ipinamalas na early game arangkada ng mga taga-Myanmar. Natagpuan ng PH team ang kanilang mga sarili sa 4.3k deficit sa ika-13 minuto ng krusyal na game three ng semifinal match at naghihikahos para makapuwesto sa Lord objective.

Dito na pumitik si FlapTzy ng highlight play of the series na bumaling ng ihip ng hangin pabor sa Pilipinas.

Screenshot ni Calvin Trilles / ONE Esports

HInirang na MVP of the Game ang Bren Esports EXP laner na bagamat nagtala lamang ng 2/3/5 KDA ay susi para tibagin ang panghas na Myanmar at buksan ang pagkakataong kinakailangan nila para tangkain ang three-peat sa SEA Games.

Magpapatuloy ang gold medal match ngayong araw na lalaruin sa best-of-five format.

I-like at i-follow ang Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: SIBOL MLBB buhay ang pag-asang mabuo ang 3-peat sa 32nd SEA Games MLBB Event