Malaking tanong sa mga miron kung posible ba ang pagpapatupad ng point system sa MPL ID S9 papunta sa inaantabayanang M4 World Championship ngayong taon. Kaugnay ito ng naganap sa MPL KH kung saan pinapagulong na ngayon ang nasabing sistema.

Bagamat isa na sa pinaka-presitihoyosong esports tournaments sa mundo, iba pa rin ang pananaw ng fans sa gumugulong na MPL season dahil ito ay isang “odd season”. Ang SEA tournament na MSC at hindi M World Championship ang gugulong sa kongklusyon ng season na ito, kaya may ilang pro players din na pinipiling magpahinga bilang paghahanda sa Season 10 bago magsimula ang M4.

Karugtong nito, umaasa ang EVOS Legends trainer na si Zeys na susubukan ng Moonton na ilatag ang point system sa MPL ID S9 ng sa gayon ay magkaroon ng pribilehiyo ang kampyon nito papunta sa M series.


Pinagulong na ang point system sa MPL KH

Credit: MPL KH

Nagpahayag ng saloobin si Zeys sa isang panayam kasama ang ONE Esports ng malaman na ipinatupad na sa MPL KH ang nasabing point system. Inilihad sa isa ng Twitter post ang nakapaloob sa rulebook ng liga kung saan may gaganapin daw na MLBB Global Series. 

Sa nasabing series, may distribusyon ng points sa odd seasons tulad ng MPL KH Season 2.

Kaya naman umugong din ang prediksyon ng fans na magkakaroon din ng point system sa MPL ID S9 papunta sa M4. Pangunahing layunin daw nito ay para magkaroon ng mas patas na kalkulasyon sa mga sasali sa patimpalak. 

Gayunpaman, ano ba ang tiyansa ng pagpapatupad nito, lalo pa’t kasulukuyang odd season ang MPL ID?


Nagkomento ang Moonton ID tungkol sa pagkakaroon ng point system sa MPL ID S9

Credit: Azwin

Diretsong tinanon ng ONE Esports ang PR Manager ng Moonton Indonesia na si Azwin Nugraha tungkol sa posibilidad na mangyari ang inaasam ng mga fans.

Bagamat hindi sinabi ng diretos, may indikasyon na maipapatupad nga ang nasabing point system. “We are still discussing this internally, what is clear is that the M series will be more lively and exciting in the future,” ani ng opisyal.

Pagsasalin ito sa sulat ni Redzi Arya Pratama.

BASAHIN: MPL KH Season 2 Spring Split: Schedule, format, mga resulta at saan mapapanood