May kanya-kanyang pre-game ritual ang mga pro player sa sports at esports na parte ng kanilang paghahanda para sa laban.

Mahalaga maging kumportable at confident ang mga manlalaro, kaya naman ang iba ay may mga nabuong kakaibang ritwal para lang makamit ito.

Isa na sa mga manlalarong ito si Vynn ng RRQ Hoshi.

Ang pre-game ritual ni Vynn ng RRQ Hoshi

Pre-game ritual ni RRQ Vynn, ibinahagi
Credit: MPL ID

Noong MPL Indonesia Season 7, nakwento ni Vynn sa isang panayam sa ONE Esports ang mga paraang ginagawa niya para maging kumportable bago sumabak sa laban.

“Usually before the game, I like to wear double pants. Shorts, combined with trousers. Three layers if you count the underpants,” banggit ng RRQ Hoshi team captain sa ONE Esports.

Ginagawa ang ritual ni Vynn para mapataas ang kanyang kumpiyansa dahil mas akma raw para sa kanya ito at mas kumportable maglaro habang may suot na patong-patong na pantalon.

Bukod sa pre-game ritual ni Vynn, ibinahagi niya rin ang kanyang ginagawa ‘pag natatalo sila, at may kinalaman din ito sa pananamit.

“For myself, if I lose, I usually don’t want to use the clothing I wore at that time. Usually, it’s a jacket,” said Vynnn.

BASAHIN: NXPE Midnight nais makaharap ang Alter Ego at EVOS Legends sa MPLI 2021

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.